^

Para Malibang

Mga bukol sa genital ng babae (1)

MAINGAT KA BA!? - Miss. S - Pang-masa

Kung ang mga lalaki ay tinutubuan ng kung anu-anong bukol at umbok sa kanilang ‘private part’ ganun din ang mga babae. May kung anu-ano ring

bukol/umbok ang lumalabas sa ‘private part’ na normal at hindi normal.  Tinalakay ni Dr. margarette Stearn ng embrassingproblems.com ang mga ito.

Cervix - Ang cervix ang pangunahing umbok sa  vagina. Ito ‘yung pinakaleeg ng matris (tingnan ang illustration) Ito ay abot hanggang vagina na may habang 3cm. Makakapa ang cervix kapag ipinasok ang dalawang daliri sa vagina. Ang texture ng cervix ay tulad ng sa dulo ng ilong ngunit may butas ito sa gitna. Kung hindi pa nagkakaanak ang babae, ang butas ay sinlaki ng ulo ng lapis ang butas
ngunit karaniwang mas malaki ito sa mga babaeng may anak na. Dito dumadaan ang dugo kapag may period mula sa matris patungong vagina. Karaniwang makinis nag cervix ngunit minsan ay may makakapang taghiyawat dito. Ito ay karaniwang maliit na glands na tinatawag na nabothian follicles at normal lang ito.
Pero minsan, ang pimple sa cervix ay posibleng isang wart bagamat hindi karaniwang may warts sa cervix kung walang warts sa bukana ng vagina.
Ang maliit at malambot na umbok na parang nanggagaling sa butas sa cervix ay posibleng  cervical polyp. Hindi ito cancerous pero puwedeng dumugo lalo na pagkatapos makipag-sex kaya ipinapayong ipatanggal ito.

Vagina - Ang loob ng vagina ay normal na kulu-kulubot dahil ito ay nababanat para sa pakikipag-sex at kapag nanganganak. Kaya kapag hindi ito banat,
natural lang na kulubot ito. Pero hindi normal na may umbok sa vagina. Kung may makakapang umbok, magpatingin agad dahil posibleng warts ito
gayunpaman, imposibleng may warts sa loob ng vagina kung walang warts sa labas ng vagina.

(ITUTULOY)

CERVIX

DITO

KARANIWANG

KAYA

MAKAKAPA

PERO

STEARN

VAGINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with