‘Sinner or Saint? (12)’
SABI sa Nurse Station, may malubhang sakit si Corazon. Nanlumo si Generoso. Ayaw na ayaw niyang makaranas ng malubhang sakit ang babaing nais mahalin.
Inisip niyang mali ang balita ng taga-ospital. Dapat niyang alamin ang tunay na estado ng kalusugan ni Corazon.
Sa abilidad ay nakuha niya ang complete address ng dalaga.
Nang araw ding iyon ay dadalawin niya ito, kahit walang pasabi. Anyway naniniwala si Generoso na natatandaan pa siya ng magandang nars; si Corazon ang naka-duty nang mamatay sa shift nito si Nanang. Of course hindi malilimutan ni Generoso na siya ang palihim na pumatay kay Nanang; 86 ito at may taning ang buhay.
Dala niya ang itim na kotse nang puntahan ang address ni Corazon. Alas-dose ng tanghali.
May dala siyang siopao at hopia.
“Dito po ba nakatira si Corazon?†tanong niya sa ginang na ang hula ni Generoso ay nanay ng dalaga. “Anak ko siya. Bakit?†Hindi friendly ang ginang, hindi ngumingiti.
“Nagkakilala po kami sa ospital.â€
“Kagagaling lang niya sa general hospital. May sakit. Nagpapahinga.â€
“E…anong oras po gigising?â€
“Inay, papasukin n’yo po!†Mula sa bintana ay sumungaw si Corazon, obvious na nakilala si Generoso.
Kinunutan ng ginang si Generoso, tila duda. “Ano ‘yang dala mong nasa supot?â€
“Siopao at hopia po.â€
“At tanghaling tapat ka dumadalaw, intsik ka ba?â€
Pinormalan ni GeneÂroso ang nanay ni Corazon. “May lahing Tsino po. Bawal po ba ako?â€
Umiling ito. “Pinapapasok ka ng anak ko. Ibig sabihin may tiwala.â€
SA maliit na salas sila nagkausap ni Corazon. Kapansin-pansin ang laki ng ipinayat ng dalaga. Halatang hindi ordinaryo ang sakit.
“Hi, Generous,†nakangiting bati ni Corazon kay GeneÂroso.
“Hello, Heart,†ganting bati ng binata.
Lumungkot ang mukha ng dalaga. “Tinamaan ako ng kanser, malala na. I’m so young. Masyadong unfair…â€
Hindi makaimik si Generoso, naghinanakit sa Diyos.
(ITUTULOY)
- Latest