ALAM N’YO BA?
Alam n’yo ba na kada minuto araw-araw ay 120,000 lata ng aluminum ang nire-recycle sa America? Ang pagre-recycle ng aluminum ay nagreresulta ng 95% less air pollution at 97% naman ng water pollution. Sa kada isang libre ng pagre-recycle ng aluminum, nakakatipid ka ng apat na libra ng pagmimina ng “bauxite ore”. Ang isang pangkaraniwang pamilya ay nakakagamit ng 156 packs ng aluminum can kada taon. Noong 1972, umabot ng halos 13 milyong tonelada ng aluminum cans ang na-recycle sa U.S. Ang ganitong kadaming aluminum kung pagdudugtungin ay maaaring umabot ang haba nito sa buwan. Ang industriya ng pagre-recycle ay nagbibigay ng 30,000 trabaho sa U.S. Noong 1985 may 2 milyong aluminum can collectors ang nakaipon ng 200 milyong dolyar para sa kanilang pagre-recycle. Kada taon din, gumagamit ng 85.5 milyong tonelada ng papel ang America, kung saan nare-recycle nila dito ay 22% o 19 milyong tonelada. Natitipid nito ay 782 milyong puno sa kanilang bansa.
- Latest