Kris, may remission na!

Sa unang pagkakataon, ibinahagi ni Kris Aquino sa publiko ang loob ng makasaysayang Aquino ancestral house sa Concepcion, Tarlac.
Sa kanyang latest Instagram video, mapapanood ang mini house tour ng Queen of All Media kasama ang kanyang bunsong anak na si Bimby. Ayon sa TV host-actress, ngayon lang daw niya ipinakita sa publiko ang kanilang ancestral home.
Ikinuwento niya na kasalukuyan nilang ipinapa-remodel ang bahay, partikular na ang dating kuwarto ng kanyang inang si former president Corazon “Cory” Aquino. Dito na raw kasi sila maninirahan mula Sunday hanggang Wednesday.
“Last night/midnight to 2 AM I shared with you that we’re currently remodeling our home in the Cojuangco family compound. I felt the difference immediately in how much easier it was to breathe,” pagbabahagi ni Kris.
Ibinahagi rin niya ang sentimental memories tungkol sa kanilang ancestral home, kabilang ang mga punong itinanim ng kanyang amang si former senator Ninoy Aquino at ng lolo niya na bumubuo sa magandang landscape ng property.
“My dad together with my Lolo Pepe planted all the trees,” kuwento niya.
Natuwa rin daw ang mga security guard nang muli nilang makita ang panganay niyang anak na si Joshua, na kilala ang bawat isa sa kanila sa kanilang first names.
Samantala, sinabi ni Kris na hindi nila maaaring baguhin ang exterior design ng bahay dahil dinisenyo ito ng National Artist for Architecture na si Leandro V. Locsin. Gayunman, malaya siyang makakapili ng mga kulay at disenyo para sa interior ng kanilang tahanan.
“We aren’t allowed to change the exterior because the homes were designed by National Artist Architect Lindy Locsin. But inside I can go as bright as I wish,” ani Kris.
Ibinahagi rin niya ang kanilang magiging schedule sa paninirahan sa Tarlac at Manila.
“Sunday night to Wednesday night we’ll be Tarlac residents... and Thursday to Sunday we are Makati residents,” saad niya.
Tungkol naman sa kanyang health journey, sinabi ng Queen of All Media na patuloy siyang lumalaban at buo ang kanyang tiwala sa kanyang team of doctors, gayundin sa suporta ng kanyang mga anak, mga kapatid at trusted friends.
“You don’t need to read about the new developments regarding my health: what’s important is lumalaban ako, buo ang tiwala ko sa team of doctors taking care of me,” pahayag niya.
Inihayag din ni Kris na plano niyang ipa-renovate ang kanilang mga bathroom upang maging person with disability o PWD-friendly at mas ligtas para sa kanya.
Ikinuwento niyang ilang beses na siyang naaksidente sa banyo dahil sa pagkawala ng kanyang balance. Kapag umaatake ang kanyang rheumatoid arthritis at vasculitis, nagiging napakasakit din daw ng bawat hakbang niya.
Dahil dito, madalas ay kailangan niya ang tulong ng isa o dalawang nurses, gayundin ni Bimby, sa kanyang pang-araw-araw na activities.
“I have already had several accidents in the bathroom because I lost my balance,” pagbabahagi niya.
Sa kabila ng mga pagsubok sa kanyang kalusugan, nananatiling hopeful si Kris at naniniwalang darating ang panahon na makakamit niya ang remission ng kanyang mga autoimmune disease.
“That’s one of the lessons I learned throughout this 5-year prolonged war, it’s okay to cry, there’s nothing wrong with being human and vulnerable because that just means I am alive, I still have genuine feelings, and some of my most life-threatening autoimmune illnesses will be in remission because I plan to stay alive,” pahayag niya.
Ayon sa Cleveland Clinic, bagama’t wala pang cure sa autoimmune disease ay maaari namang makamit ang remission – “a state where symptoms subside, disease activity becomes minimal or absent, and inflammatory markers return to normal levels.”
- Latest




















