Singer-actress, na-overdose sa gluta!
Nakaka-overdose ba ang sobrang glutathione?
May nakarating kasi sa aking chika na kaya naospital ang isang singer-actress dahil na-overdose kakalagay ng gluta, huh!
Banidosa kasi ang singer-actress na ito kahit maganda na siya. Eh nakikiuso siguro at gustong mapanatiling fresh ang looks!
Sey ng aming source, ‘pag pumunta siya sa isang clinic, nagpapa-inject siya. ‘Pag hindi nakuntento, pupunta sa ibang clinic na i-inject na naman!
Laging ganun ang kanyang routine hanggang sa minsan, naloka ang clinic dahil bigla itong nahilo! Nataranta ang staff at dinala siya sa ospital!
Nalaman na panay ang inject ng singer-actress ng gluta para lagi siyang maganda at walang kulubot eh may dalaga na siyang anak!
Totoo kaya na may overdose ng gluta?
Vice, bidang-bida sa GMA Christmas Station ID
First time na makasama ang ilang hosts ng It’s Showtime sa GMA Christmas Station ID na inilabas nitong nakaraang araw.
Of course, focus siyempre kay Vice Ganda na main host ng programa at may Gandang Gabi Vice sa GMA.
Syempre, join sa stars sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Alden Richards, Heart Evangelista, Barbie Forteza at marami pang iba.
Ang catchy na Liwanag Natin Ang Isa’t Isa ang kinanta ng powerhouse Kapuso singers.
Puwede nang i-download sa streaming app ang Liwanag Natin Ang Isa’t Isa.
- Latest





















