^

Pang Movies

Ria at Maine, pinag-aaway!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ria at Maine, pinag-aaway!
Ria, Maine at Arjo

Retokado ang isang video na makikitang hindi pinansin ni Ria Atayde si Maine Mendoza pagkatapos bumeso ng misis ni Zanjoe Marudo, na ipinagbubuntis ang second baby nila, sa kanyang kapatid na si Arjo Atayde na nag-celebrate ng kanyang 36th birthday kamakailan.

Nakita kasi sa video nag nagbeso at hug si Ria sa kapatid niyang congressman na katabi lang that time si Maine. Pero hindi ito nilapitan ni Ria, dumiretso siya saka nag-cell phone base sa video na retokado raw.

Base sa expression ng mukha ni Maine napangiti ito na parang nag-expect na lalapitan siya ng kapatid ng mister kaya parang totoo.

Anyway, ba’t kaya tuluy-tuloy ang break-up rumor kina Arjo at Maine tho napasinungalingan ang mga usap-usapan tungkol sa hiwalayan nila matapos makitang magkasama ang mag-asawa kasama ang pamilya ng aktor sa 36th birthday ni Arjo.

Maraming beses nang iniintriga na hiwalay na sina Arjo at Maine na ikinasal noong 2023 sa Baguio.

Pero this time raw ay totoo ayon sa usap-usapan.

Luis, hinahasa na si Rosie sa acting!

Daming napa-wow sa ‘heels dance’ ni Jessy Mendiola ng Toxic ni Britney Spears.

Ang galing nga naman ng misis ni Luis Manzano na gumiling-giling.

Perfect na para sa ibang followers ni Jessy ang mga move niya.

Caption ni Jessy: “Ito na naman ako mga tsyang! Heels dance featuring Toxic by mareng Britney. thank you for the wonderful choreo.”

Samantala, ang kyut-kyut ng anak nina Luis at Jessy na si Rosie.

Marunong nang umarte at parang nagmana ng kakikayan kay Jessy na animo’y naka-makeup pa habang bini-video ni Luis.

May caption ang video na “Audition daw sya para sa commercial, yan masarap face nya”

Ang daming hindi nakapagpigil at napa-comment like Charlene Gonzalez: “She is so cute and adorable.”

“Show me a yummy bite” ang instruction ni Luis sa anak na acting na acting at tila sarap na sarap sa kinakain.

Kaya ‘wag magtaka kung one of these days ay may lalabas na commercial si Rosie.

Hollywood actress Michelle Yeoh, bibitbitin ang Blade... sa bansa!

Dadalhin sa bansa ng streaming platform na Prime Video ang Academy Award winner actress na si Michelle Yeoh para sa promo tour ng inaabangang Blade Runner 2099 bago ang world premiere nito sa Nov. 25.

Dito ay ibabahagi ng actress ang tungkol sa kanyang karanasan sa pagbibigay-buhay kay Olwen—isang ‘Replicant’ na nasa huling yugto na ng kanyang buhay.

Sa seryeng ito, kasama ni Yeoh—na gumawa ng kasaysayan noong 2019 bilang kauna-unahang Asyanong aktor na nanalo ng Oscar para sa Best Actress—si Hunter Schafer. Gumaganap si Schafer bilang si Cora, isang takas na gagamit ng bagong pagkakakilanlan bilang isang ‘Blade Runner’ sa isang desperadong pagtatangkang wakasan ang kanyang pagtakas.

Naganap 50 taon matapos ang mga pangyayari sa Blade Runner 2049, sinusundan nito ang kuwento ni Cora, na napilitang makipagtulungan kay Olwen upang tugisin ang isang tumakas na indibidwal—isang taong nagtataglay ng mga lihim na maaaring magbanta sa kinabukasan ng marupok na Los Angeles. Pinalalawak ng seryeng ito ang kilalang sci-fi universe sa pamamagitan ng isang bagong kuwentong tumatalakay sa pagkakakilanlan, pagkatao at kaligtasan.

Ang lahat ng walong episode ng Blade Runner 2099 ay ipapalabas sa Nobyembre 25, 2026, eksklusibo sa Prime Video sa mahigit 240 bansa at teritoryo sa buong mundo.

 

RIA ATAYDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with