Largahan sa Group A, dikdikan sa Group B
Maagang natapos ang race to playoffs sa Group A.
Kaya’t marami pang natitirang elims games sa kanilang bracket na pwestuhan na lang ang labanan.
Sa kasalukuyan, No. 1 ang NLEX (8-2), na sinusundan ng San Miguel Beer (7-3) at TNT at Converge na tabla sa 6-4.
Ang excitement ay nasa kabilang grupo kung saan tanging Magnolia (6-3) ang nakaalagwa.
Ang limang ibang teams ay dikit-dikit ang pwesto papasok sa homestretch ng elims.
Tabla ang Rain or Shine at Phoenix Super LPG sa 4-3. One game behind ang Blackwater (3-4) at nakadikit din ang Meralco (3-5) at Barangay Ginebra (3-5).
Down to the wire ang karera.
At isa sa exciting na laro eh paglalabanan ngayong gabi sa Ninoy Aquino Stadium ng Meralco at Blackwater.
May mainit na Governors Cup rivalry ang Meralco at Ginebra.
Interestingly, pareho sila ngayong nakabaon sa team standings.
Pero wide-open pa naman ang karera.
Phoenix at Blackwater ang must-win games para sa Gin Kings at sa Bolts.
Ang Top Four mula sa dalawang bracket ay maghaharap sa crossover quarterfinal pairings.
- Latest




















