^

Pang Movies

JmFyang movie, may sequel agad?!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
JmFyang movie, may sequel agad?!

Masaya ang director-producer na si Dan Villegas sa naging outcome sa takilya ng pelikulang Almost Us na pinagbibidahan ng ex-Pinoy Big Brother housemates ng magka-loveteam na sina Fyang Smith at JM Ibarra. Ito’y joint production ng Regal Entertainment at Project 8 Projects.

Unang napanood ni Direk Dan si JM sa ginawa nitong indie movie at ni-research umano niya ito at doon lumabas ang ka-loveteam nitong si Fyang. 

Dahil sa magandang outcome ng Almost Us, nag-iisip na ngayon si Direk Dan at ang mag-inang Roselle at Keith Monteverde ng follow-up project para sa dalawa bilang sequel sa kanilang first hit movie.

Mga apo ni Boss Vic, onboard na rin sa Viva

Very proud ang Viva Group of Companies big boss (chairman-CEO) na si Boss Vic del Rosario, Jr. sa kanyang apat na anak na sina Vincent, Veronique, Valerie at VR na may kani-kanya nang matataas ng posisyon sa iba’t ibang kum­panya ng Viva.

He’s also extra proud sa kanyang mga apo na kabilang na sa ikatlong he­nerasyon ng Del Rosario-owned and operated companies na ang pinakabagong karagdagan ay si Atty. Jillian del Rosario Corpus, eldest daughter ni Veronique del Rosario-Corpus na siyang president and COO ng Viva Artists Agency (VAA) at Viva Beauty.

Si Atty. Jillian ang tumatayong Business Affairs Head at Chief of Staff ng VAA. Siya rin ang tumatayong pangulo ng pinakabagong business ng Viva, ang Spice-Up Fitness (for women) na matatagpuan sa ikatlong palapag ng Park Triangle Mall in BGC.

Nagtapos si Atty. Jillian ng kanyang pre-law course ng BS-Economics sa University of the Philippines cum laude habang sa Ateneo Law School naman niya tinapos ang kanyang law proper where she placed 2nd honor at Top 18 in her class.

Ang panganay naman ni Vincent del Rosario na siyang tumatayong president ng Viva Communications, Inc. na si Verb del Rosario ay siyang namang head ng Viva Music Group at kasama na rito ang Viva Records and Vicor Music, among others.

Hinayaan muna ni Boss Vic ang kanyang mga apo na magtrabaho sa ibang kumpanya for a year bago mag-join sa Viva.

Si Atty. Jillian ay dumalo sa grand opening ng Japan-based Spice-Up Fitness last Saturday, May 9, 2026 sa Park Triangle Mall in Bonifacio Global City kung saan din dumalo si Boss Vic del Rosario at ibang contract stars ng Viva tulad ng former beauty queens-tuned actresses na sina Ruffa Gutierrez, Kylie Verzosa at Cindy Miranda maging ang actress-comedienne na si Candy Pangilinan na agad sumubok sa personalized program ng Spice-Up Fitness (for women) na first branch sa Pilipinas outside Japan.

FYANG SMITH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with