Broadcast journalist, naniningil sa BI!
Himingi ng tulong sa isang kilalang broadcast journalist tungkol ang isang female personality upang ilabas bilang blind item ang pambababae ng asawa niya politiko.
Eh alam ng female personality ang pambababae ang asawa. Ang hindi niya gusto, eh ang babae ay kilala rin sa kanilang probinsiya, huh!
Usung-uso ngayon ang blind items lalo na kapag ang involved ay taga-showbiz o politician!
Akala ni female personality eh solved na ang request niya. Laking gulat niya nang mag-demand ng malaking halaga si broadcast reporter upang masabi at maipakalat dahil hindi puwede ang blind item sa programa niya!
Hindi na lang nagpilit pa si female personality dahil hindi niya alam na may bayad pala pag blind item!
Shuvee, support lang sa horror
Special participation lang pala si Shuvee Etrata sa horror thriller na Huwag Kang Titingin ng GMA Pictures at Mentourqe Productions.
Star studded ang cast pati na ang rumored BF ni Shuvee na si Anthony Constatino.
Pero nang ilabas ang trailer last week, milyon agad ang views at ang feedback sa nakapanood eh talaga namang matinding takot ang nadama!
Ang ilan sa bida ng Huwag Kang Titingin ay sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Charlie Fleming.Michael Sager, Josh Ford at marami pang iba.
- Latest


























