Kim, nagpasalamat!
Hindi sinabi ni Kim Chiu kung nasaan siya, pero tuwang-tuwa ang TV host/actress matapos mapabilang ang pelikula nila ni Paulo Avelino sa official entries sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF), A Perfect Marriage.
Hindi nga nakadalo si Kim sa ginanap na announcement ng MMFF para sa apat na dagdag na bumuo sa Magic 8.
“‘Yung kaba ko, GRABE!!! Naiyak talaga ako nung in-announce ni Ms. Laurice Guillen ang family drama category! My heart is so full of gratitude! Maraming, maraming salamat po sa MMFF 2026 and to @quantumfilms @attyjoji for giving me this beautiful opportunity.@danvillegas #APerfectMarriage this December 25 na po!!! “For better or for worse, MAGKASAMA TAYO!” Magkita-kita po tayo sa sinehan ngayong PASKO! Maraming salamat po sa tiwala at pagmamahal! Isang napakagandang Christmas gift po nito. Sa lahat ng #KimPau na nagdasal para sa movie maraming salamat. Eto na po ang simula.@mepauloavelino congrats!,” tweet ni Kim kahapon sa X.
Sumugod sa Shangri-La Edsa ang KimPau fans para sa nasabing announcement noong isang araw.
Maingay ang nasabing entry ng KimPau dahil na rin sa mga intriga kay Kim na diumano’y nagdadalangtao ito kaya kasalukuyang naka-leave.
Pero kinokonek naman ‘yun ng iba sa role niya sa A Perfect Marriage kung saan buntis ang papel na ginagampanan niya.
At baka raw may NDA (Non-Disclosure Agreement) din si Kim o ang mga taong nasa paligid niya kaya walang nagsasalita tungkol dito.
Coco, bagong hari ng kalsada
Sasabak sa panibagong misyon si Coco Martin bilang isang undercover taxi driver sa Coco Martin’s Sigabo, na nananatiling numero unong TV show sa Pilipinas sa iWant.
Kasabay ng mas maaksyong kwento ni Gabo (Coco), may mga bago siyang makaka-engkwentro sa pagpasok ng mga karakter ni Janice De Belen kasama ang special guests na sina Ina Raymundo at Ricardo Cepeda.
Mapapanood na sa mga susunod na episode ang pagsabak ni Gabo sa isang bigating misyon para sa Anino, isang sikretong organisasyong lumalaban sa mga krimen, kung saan magpapanggap siya bilang isang taxi driver para imbestigahan ang kanyang VIP na pasahero (Ina) na sangkot sa mga ilegal na negosyo.
Bukod sa mga exciting na biyahe ni Gabo, hindi rin mawawala ang nakakakilig na mga eksena nina Coco at Julia Montes. Iigting kasi ang selos ng pekeng asawa ni Gabo na si Gloria (Julia) dahil sa nakakatuwang biruan ni Gabo sa mapang-akit na karakter ni Ina.
Abangan ang aksyon, drama, at kilig sa Coco Martin’s Sigabo gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel sa cable at IPTV.
- Latest




















