^

Pang Movies

KD, na-enjoy ang Bagets

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
KD, na-enjoy ang Bagets
KD

Balik-recording ang Kapamilya singer-actor na si KD Estrada.

Hatid ang self-titled debut album na umiikot sa iba’t ibang kwento ng pag-ibig.

Tampok sa album ang walong awitin, Dito, Over And Over, Together, Stay, Be With U (Acoustic Version), Ikaw Ang Simula, Sala at Napadaan Lang, na naglalarawan sa pagkahulog ng damdamin, heartbreak, at pagkakaroon muli ng pag-asa.

Umiikot ang key track na Ikaw Ang Simula sa muling pag-uumpisa kasama ang taong nagbibigay liwanag at kapayapaan sa buhay. Mula ito sa komposisyon ni Gab Tagadtad at produksyon ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Inilabas ni KD ang una niyang single na One of Many noong 2019. Sinundan niya ito ng iba’t ibang singles na Days, Love Led Us Here, at Be With U. Naging bahagi rin siya ng Run to Me soundtrack kung saan inawit niya ang Misteryo at When I See You Again kasama si Alexa Ilacad.

Bukod sa musika, bumida rin si KD sa iba’t ibang serye tulad ng Unloving You, Bola, Bola, at Pira-Pirasong Paraiso.  

Pinasok din niya ang mundo ng teatro at na­ging bahagi ng Bagets The Musical at Walang Aray.

Ang Bagets The Musical na mapapanood hanggang March sa Newport Performing Arts Theater.

Napapakinggan ang debut album ni KD sa iba’t ibang digital streaming platforms.

Sa kasalukuyan ay kanya-kanya muna sila ni Alexa Ilacad.

“It depends kasi. There are times kasi iyong mga love teams, they’re not really working together anymore. And it’s not because we don’t want to work with each other, it’s just that time changed lang talaga. Other things come our ways din,” katuwiran niya sa ‘hiwalayan’ nila ni Alexa.

Pero umaasa siyang magkakatrabaho ulit sila ni Alexa na ang buong akala talaga ng lahat na sila ay may relasyon.

“I’m hoping this year maka-work ko siya ulit. But, I’m okay with just working with myself muna and she can do her own thing kasi happy naman kami. What’s important is kaming dalawa super okay kami. Super close kami. Wala eh, life happens and work happens.

“Which is something that you can do now, but it’s just so magical na kahit hindi masyadong rewarding, nandito pa rin kami at patuloy pa rin kaming nagkukwento,” katuwiran pa ni KD na gumaganap na Raymond Lauchengco sa Bagets The Musical.

At kung nasa theater man siya sa kasalukuyan, ‘yun ay dahil nararamdaman niya ang kalayaan sa pag-arte na hindi mo pwedeng ulitin.

“Parang ayun din iyong reason ko kung bakit nasa teat­ro ako. It’s that sense of freedom for your creative freedom, you get to show your creative freedom kahit hindi nga siya financially rewarding. Hindi na sumagi sa isip ko iyong financial. It’s more of, I love what I’m doing. I’m gonna keep doing it,” pag-amin niya.

“So, it’s passion, love for your craft. Kung may financial, go! Nakakain ka naman, nakapunta ka naman dun sa rehearsals. Buhay ka pa naman. Nagbibigay naman sila ng allowance.

“Tsaka in comparison lang naman din sya, to screen work. Theater pay is fine. Pero compared to screen work, doon ka mapapa-’ohh, this is really a passion.’

“And it really helps when people have productions where they get, mga people who can invest on us. Mas nakakatulong kasi iyon sa amin. Not only the actors but also the people behind the scenes.

“Iyon ‘yung kailangan,” paliwanag naman ni KD kung anong masasabi niyang reward sa pagti-teatro.

Samantala, kamakailan ay may pinatulang ‘content’ sa social media ang actor.

Aniya, isang fake narrative ang ikinakalat laban sa kanya.

“The thing is she’s my castmate lang. The story there is nag-livestream siya, nagre-rehearsal kami tapos tinutok niya lang sa akin iyong camera. Kasi magkakasama naman kaming lahat eh. Ayun lang, ini-screenshot lang iyong ano... And I just answered to the person na took that into offense.                   

“Sabi ko lang, wala, she’s just toward the camera lang at me, what’s the issue there. And then, with that single screenshot gagawan ng ibang tao ang complete narrative na meron silang five pages ng story, they make an essay on why I’m a bad person. For me lang naman, just before you speak, mag-isip ka muna,” paglalahad ni KD kung ba’t niya pinatulan ang nagkakalat ng nasabing fake news.

 Speaking of Alexa Ilacad na maganda siya kahit ma­ging lalaki.

Ito ay matapos niyang ilabas ang kanyang pictorial na naka-real self at isa version niya na lalaki.

Ito nga ang birthday gift niya sa kanyang followers.

Siyempre hindi naman sila mag-iisip na tomboyita si Alexa.

Vice, dinalaw ang unggoy na pinagkakaguluhan sa social media

Pasok ang dalawang pelikula ni Vice Ganda, ang And The Breadwinner Is… at Call Me Mother, sa unang edisyon ng Philippines-Japan Film Festival 2026 na gaganapin sa Tokyo. Ito ang kauna-unahang beses na lalahok ang aktor sa isang international film festival.

Natutuwa si Vice na napili ang kanyang mga pelikula sa naturang filmfest, kung saan magsisilbing opening film din ang hit comedy-drama na Call Me Mother.

“Nasorpresa ako. Akala ko isa lang ‘yung entry ko. Nakakatuwa na dalawang pelikula pala ang entries ko,” sabi niya sa panayam ng TV Patrol bago siya lumipad patungong Japan.

Hangad ng Unkabogable Star na maging daan ito para ipakilala ang kwentong Pilipino at kultura sa mas madaming manonood abroad.

“Magandang opportunity para sa Filipino movies na makita ng ibang lahi at para ma-appreciate nila. Para maka-penetrate tayo dahil ‘yun naman ang gusto natin, maging global,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ni Vice, “Marami silang pwedeng makuha doon sa pelikula natin. Sa kultura natin meron silang maaa­ring ma­diskubre, marami silang pwedeng malaman tungkol sa kaganapan ng mga Pilipino.”

Ang dalawang pelikula ay mula sa direksyon ni Jun Robles Lana at naging bahagi ng Metro Manila Film Festival.

Inilunsad ngayong taon ang Philippines–Japan Film Festival bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2026 Philippines–Japan Friendship Year, na naglalayong itampok ang ugnayang pangkultura sa pagitan ng dalawang bansa.

Samantala, nakadalaw na si Vice Ganda kay Punch. Magkasama silang pumunta sa Ichikawa Zoological & Botanical Garden kung saan matatagpuan ang well-loved na batang unggoy.

Sinabi ni Vice bago siya umalis papuntang Tokyo na dadalawin niya ang nasabing unggoy na sumikat dahil sa natanggap na pang-aapi sa nanay pero nakatanggap ng pagmamahal sa stuffed toy na unggoy.

KD ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with