^

Pang Movies

Bianca, babu na sa Sang’gre

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bianca, babu na sa Sang’gre
Bianca Umali

Tsugi na nga ba si Bianca Umali sa Sang’gre? Tanong ito ng Encantadiks na nalungkot dahil pinatay ni Gargan (Tom Rodriguez) si Terra (Bianca). Saka, nagpaalam na si Bianca sa kanyang karakter at pinost sa Instagram.

“Avisala Meiste, Terra...

“Hindi ko alam kung saan magsisimula, pero alam kong kulang ang salitang salamat.

“Ang bahaging ito ng Encantadia Chronicles: Sang’gre ay hindi lang basta eksena o yugto ng kwento para sa akin. Isa itong paglalakbay- bilang aktor, bilang tao, at bilang katuwang sa malikhaing proseso. To be given the space to listen, learn and collaborate with the team- to co-create and help shape such an important moment for Terra- means more to me than I can put in to words,” pagsisimula niyang mensahe sa kanyang pamamaalam.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng nakatrabaho niya: “Ramdam ko ang tiwala ninyo, ang pasensya, at ang bukas na loob sa bawat hakbang. Salamat sa paglikha ng isang ligtas na espasyo kung saan ang boses ko ay hindi lamang pinakinggan kundi isinama sa proseso.

“Avisala Eshma, mga Encantadiks,” bahagi ng post niya.

Nagpasalamat ang Encantadiks sa mahusay na pagganap ni Bianca sa karakter ni Terra, proud daw sila sa aktres.

Fans ni Sarah, ayaw kay Ashtine

Pinalagan at ayaw tanggapin ng fans ni Sarah Geronimo ang comment ng isang fan ni Ashtine Olviga na siya ang “The Next Sarah G!” Inilatag nito ang mga rason kung bakit niya ito nasabi.

“Is it just a coincidence that both she and Sarah G as Ash? The attitude, discipline, and overall presence shoooooks very Sarah G coded. And let’s be real, Antin is an absolute beast on stage. Halimaw din besh!

“Sorry, but this is my bias, even if you say you “haven’t noticed her yet.” She is Ashtine Olviga, the Next Sarah G of Viva, period. And please, if you don’t agree, don’t comment. This is my account.”

Comment ng fan ni Sarah, “Cringe! Huwag niyo dumihan at isingit yan kay SG jusko kahit ¼ di pa pasok sa boses pa lang.”

Mas marami nga lang ang nag-agree na si Ashtine na ang next Sarah G at katuwiran nila, total performer, triple treat artist si Ashtine. “She’s so grounded,” “I see a lot of potential very Sarah G talaga,” “total performer, versatile actress and very mabait” ang kanilang sinabi.

 

BIANCA UMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with