Sandara, napapagod na!

Nagkaroon ng pagkakataon ang South Korean superstar na si Sandara Park na balikan ang kanyang career na mahigit dalawang dekada na.
Sa kanyang X (dating Twitter) account, inamin ng Pambansang Krung Krung na napapaisip siya kung hanggang kailan pa niya kakayanin ang tuloy-tuloy na trabaho habang tumatanda.
Sa kanyang post, ibinahagi ni Sandara ang mga naiisip niya nitong mga nakaraan. “I’ve been working almost nonstop for 22 years since my debut in the Philippines, you know. Of course, during trainee days, it wasn’t ‘work’ per se, but I was so swamped with practice. Lately, these thoughts just pop into my head out of nowhere,” aniya.
Dagdag pa ng singer, bagama’t medyo pagod sa busy schedule, lubos pa rin siyang nagpapasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanyang career. “How much longer can I keep up this kind of active schedule? What if I get older and my stamina drops, making it tough? Sure, my physical condition’s been lousy since I was 20, lol, but I’m hanging in there. A bit sleepy, a bit tired, but happy right now. Tossing out some sentimental stuff in broad daylight,” pagtatapos niya.
Binaha naman ng pagmamahal at suporta mula sa fans ang reply section ng kanyang post.
Nagsimula ang career ni Sandara sa Pilipinas matapos maging first runner-up sa Star Circle Quest noong 2004. Pagkatapos ng kompetisyon, gumawa siya ng ilang pelikula, serye, at TV commercials at naging isa sa pinaka-minamahal na celebrity.
Lumipad siya pabalik sa South Korea kung saan nag-trainee siya sa ilalim ng YG Entertainment at naging parte ng iconic girl group na 2NE1 na namayagpag sa music scene sa loob ng maraming taon. Simula noon, nakagawa siya ng ilang solo songs at patuloy na bumabalik sa Pilipinas para mag-guest sa iba’t ibang shows.
Short film, wagi sa India
Humakot ng parangal ang Filipino short film na Kababata: The Way We Became matapos manalo bilang Best Director sa 17th Ahmedabad International Film Festival (AIFF) sa India.
Sa direksyon ni Earl Justin Lipana, ito ang kauna-unahang pagpasok ng pelikula sa international festival scene.
Gawa ng EJLCreatives, ang short film ay isa sa mga pambato ng Pilipinas sa Foreign Short Film category sa taunang festival na ginanap sa Ahmedabad, Gujarat, India mula Sept. 30 hanggang Oct. 2.
Sa social media, ibinahagi ng producer ang international milestone ng pelikula. Dumalo sa festival ang direktor kasama si John Ferdinand Lipana na nominado bilang Best Actor.
Nakasungkit din ang pelikula ng nominasyon para sa Best Screenplay, Best Cinematography, at Best Editing.
Tampok sa Kababat : The Way We Became ang mga unang taon ng kontrobersyal na war on drugs sa Pilipinas.
- Latest
























