Janice, binanatan si Dennis

Nabasa sa Threads ang post ni Janice de Belen na “TO MR @dennistrillo SIGURO MASAYA KANA!!! LAHAT NA DAMAY NA PAMILYA DE BELEN. PATI BABAE PINAPATULAN MO. Wala naman sinabi masama sayo si Gelli ni kahit pa pag mention ng name mo hindi ka binanggit. GANITO PALA ANG DEFINITION NG MATINONG TAO ang pumatol sa babae na walang ginawang masama say. Sorry to say that TRILLO.”
Nauna rito, pinost ni Luigi Muhlach, panganay ni Janice ang screenshot ng comment ng isang netizen na ang sabi, “Pamilya mo yan? Wala pang nadidisgrasya sayang naman.” Sagot ni Luigi, “Tibay ng comment! Sabihin mo sa harap ko yan.”
Kung babasahin ang comment ng netizens, may nagsabing “This is getting out of hand. Kung sinu-sino na lang ang dinadamay. Grabe na ang hate culture ng Pilipinas.” “Nakisali din kc si Janice nde nlng niya hinayaan un pgkakalat ng kapatid niya” at “Bakit dami nang nadadamay?”
Samantala, nakitang magkasama sina Janice, Gelli de Belen at Candy Pangilinan sa premiere night ng “Mantsa”, ibig sabihin, okay sina Gelli at Candy kahit magkaiba ang POV sa Patrick issue.
Marian, na-wow mali sa AI
Natawa na lang si Marian Rivera na napagkamalang AI generated ang profile picture niya sa Instagram. May nakasulat na “Artist: AI-generated profile” at may red arrow pa para mabasa ang idinagdag na information.
Halatang idinagdag lang sa kanyang profile na AI-generated ang picture niya dahil sa original IG account, walang naka-specify na AI generated ang photo niya. Nakarating ‘yun kay Marian, in-screenshot at nag-react ng “Whahahaha kaloka!”
Samantala, may message si Dingdong Dantes sa Dekada Award na nakuha ni Marian sa MMPRESS para sa pelikulang “Balota.”
“Congratulations! Minsan mo itong ipinagdasal (hindi yung award, kundi ang magkaroon ng makabuluhang proyekto), tapos ibinigay Niya sa iyo... higit pa sa ating inakala. This was meant to be, and it’s something you can always look back on and be proud of. I am so proud of you, and I’m sure our kids are as well.”
Sagot ni Marian kay Dingdong, “@dongdantes love you dada. Salamat sa palaging pagsuporta.”
Show ni Matteo nasa TV5 na!
Mapapanood na sa TV5 ang online show ni Matteo Guidicelli na Matteo G Primetime simula sa Sabado, October 10, 9:30pm. Dati sa vlog niya sa YouTube napapanood ito, ngayon nasa TV5 na ang show.
Napapanood dati ang talk show ni Matteo sa Bilyonaryo Channel.
Nag-promote na si Matteo ng kanyang talk show, sinabi nang may detour ito, hindi lang sinabi kung saan. Hindi yata nito alam na may teaser na ang TV5 tungkol dito.
- Latest


















