Loisa, nagmamaneho ng Tesla

Wow, bongga si Loisa Andalio na pasimple raw na nag-flex ng kotse niyang Tesla.
Hindi nga mahahalata kung hindi inispluk ng mga matanglawin na marites dahil mas napansin ng mga ito ang mukha niya na puring-puri.
Sa caption niya nga ay sey niya “God will provide.”
Sunud-sunod daw ang project ng aktres noon kaya siguradong nakapag-ipon ito.
Pero ano na nga ba ang proyektong ginagawa niya ngayon?
Kabilang pala siya sa reunion movie nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin na Ex Ex Lovers.
In fairness ang ganda rin ng mukha niya na lutang sa video.
Biro tuloy ng follower niya ay saan daw ba ‘yung yellow basket ng ganung fez niya at sinagot niya iyon na soon daw may yellow basket na sila.
Mukhang abala rin daw ito sa mga negosyo niya na may bago raw bubuksan na skincare business na malapit na niyang ilantad.
Sey ng fans niya ay may iba raw silang pinagkakakitaan ng boyfriend niyang si Ronnie Alonte at may mga naipundar na raw ang mga ito.
Ang bongga rin na ang tagal na nila ha.
Wish nga ng mga ito ay huwag matulad sa ibang mga celebrity na naghiwalay.
Well, ano nga ba pake ko sa kanila.
‘Kaloka.
- Latest