^

Pang Movies

Junior actor, kumpirmadong may tinatagong boylet sa abroad!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Aksidenteng nakilala ng isang nagbabakasyong Pinay sa ibang bansa ang umano’y matagal nang karelasyon ng isang junior actor na pinagdududahan ang sexual preference!

Sa katatanong, residente na ng bansang pinuntahan ng Pinay ang guy. Natuklasan niyang kahit magkalayo sila ng aktor, pumapayag naman daw itong makipaglandian sa ibang lalaki, huh!

Tutal naman, long distance ang kanilang affair at magastos kung pupuntahan nila ang isa’t isa.

Yummy ang aktor kaya naman kahit pi­nagdududahan eh may babae pa ring nagkakagusto sa kanya at mas lalo na ang isang kakilala namin, huh!

Hindi nga lang daw masyadong guwaping na guwaping ang guy kumpara sa aktor na leading man pa sa TV at movies na nagawa, huh!

Marian, all-out kina Dingdong at Charo

Ipinadama ni Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes ang suporta niya sa movie nila ni Charo Santos.

Dumalo si Yan sa premiere ng movie at nagustuhan ang pelikula ayon sa pahayag niya sa interview.

Tungkol sa pag-ibig ang movie na ayon kay Marian eh iba-iba ang klase ng pag-ibig.

Bilang dagdag na suporta, hinikayat ni Yan na panoorin sa sinehan ang movie na dinirek ni Irene Villamor.

DINGDONG DANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with