^

Pang Movies

Marian, pinanood ang kissing scene nina Dingdong at Charo Santos

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Marian, pinanood ang kissing scene nina Dingdong at Charo Santos
Marian Rivera

Trending kahapon si Karylle. Ang rason – ang guesting nina Dingdong Dantes and Charo Santos sa It’s Showtime.

Pinaglaruan talaga sa X ang guesting ng actor para sa pelikula nilang Only We Know.

Ang running joke ‘hindi absent si Karylle, ‘di nakulong sa CR.’

Laugh trip actually lalo na ‘dun sa portion na kunwari ay nagsusumbong si Vice Ganda kay Ma’am Charo ng mga absent na host sa programa habang kaharap nila ni Karylle sina Madam Charo at Dingdong.

Ba’t daw parang awkward pa ang aktor at ang host sa Showtime.

Kailangan ba talagang buhayin ang isang nakalipas na kuwento?

All-out ang suporta ni Marian Rivera sa pelikula ng mister na may mga intimate scene pala kay Ma’am Charo.

In fact, nanood pa nga si Marian sa premiere night nito.

Kaya nganga ang mga intrigerong baka mag-react si Marian.

Clashbackers, lalaban sa mga baguhan

Mas intense ang labanan ngayon sa bagong season ng The Clash. Sa isang dramatic reveal nga ay ipinakilala ng programa ang The Clashbackers – 12 returning contenders mula sa mga nakaraang season na nangangarap magkaroon ng second chance sa grand title.

May kanya-kanya na silang mga raket pero nang malamang may pagkakataon silang makabawi, ipinahinga muna ng Clashbackers ang mga ginagawa. The Clashbackers include Vilmark, Renz Robosa, Jennifer Maravilla, Arabelle Dela Cruz, Nef Medina, Lyra, Bea, Liana Castillo, Zyrene Ciervo, Allain Maristela Gatdula, Ton Romulo and Jong Madaliday.

Known for their standout performances in past season these returning Clashers are reentering the competition with more experience, renew passion, and unfinished business on The Clash stage.

Kaya naman nagbigay ang bagong twist na ito ng new level of excitement to the competition.

Hosted by Julie Anne San Jose and Rayver Cruz, with judges Christian Bautista, AiAi delas Alas, and Lani Misalucha, ang The Clash 2025 ay nagbibigay ng life-changing opportunities for Filipino singers.

Napapanood ito every Sunday at 7:15 p.m. on GMA Network.

Speaking of Lani Misalucha, hindi pa rin talaga normal ang pandinig niya. Kahapon ay medyo hindi niya masyadong marinig ang mga nagtatanong sa kanya sa question and answer session sa ginanap na media conference nito.

Last May lang nang aminin ng Asia’s Nightingale na “Gumagalaw ‘yung vision, as in hanggang ngayon ganun pa rin ‘yung condition namin (husband niya), and then we’re partially deaf sa right ear. So it was really a difficult time for me because syempre naman ano, I’m a singer and then mahirap ‘yung pandinig,” kuwento niya sa naging epekto ng kanilang sakit na bacterial meningitis.

8th EDDYS, mapapanood worldwide!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood na sa buong mundo ang 8th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice, mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Ito’y sa pamamagitan ng partneship ng The EDDYS at SPEEd sa iWantTFC ng ABS-CBN.

Nakatakda ang awards night sa darating na July 20, 2025 at itatanghal sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City.

Habang sabay-sabay na ipalalabas ang kabuuan ng ika-8 edisyon ng The EDDYS sa iWantTFC, Kapamilya Channel, at Jeepney TV ng ABS-CBN sa July 27.

Ang partnership ay pormal na ginanap sa ABS-CBN headquarters sa Quezon City, na dinaluhan nina Kane Errol Choa, ABS-CBN Vice President for Corporate Communications, at Ralph Menorca, Head of ABS-CBN Programming and On-Air Operations.

Sa global presence ng ABS-CBN, tiyak na mas maraming tao, lalo na ang Filipino community sa buong mundo, ang makakasaksi kung paano kinikilala at binibigyang importansya ng samahan ng entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas ang mga haligi at icon ng Philippine cinema, gayundin ang mga taong nagpapanatili sa industriyang ito na umunlad.

Ang collaboration na ito ay parang pag-uwi na rin ng The EDDYS, dahil ang ABS-CBN ang kauna-unahang media partner sa inaugural edition ng film awards show noong 2017.

Ang taunang pagbibigay-parangal ng The EDDYS ay bahagi ng pagkilala at pagpapahalaga ng SPEEd sa mga pelikula, artista at iba pang personalidad na itinuturing na pinakamagagaling sa Philippine Cinema.

May 14 acting at technical awards na ipamimigay sa 8th EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.

Bukod sa pagkilala sa mga natatanging pelikula nitong nagdaang taon, magiging highlight din ng pinakaaabangang awards night ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing na mga haligi ng movie industry.

Sila ang mga artista, direktor at iba pang personalidad na hindi matatawaran ang kontribusyon, dedikasyon at pagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng mahabang panahon.

Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).  

Bukod dito, kikilalanin din sa gabi ng parangal ang Producer of the Year.

Muli ring pararangalan ng grupo ang mga na­ging bahagi at lumaban para sa patuloy na pagba­ngon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon nito sa The EDDYS Box Office Heroes.  

Abangan ang iba pang mga detalye sa inaaba­ngan nang 8th The EDDYS sa official Facebook page ng The Eddys (The Entertainment Editors Choice).

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with