^

Pang Movies

Coco, todo bonding sa mga bossing

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Coco, todo bonding sa mga bossing
Coco Martin at Julkia Montes.
STAR/ File

Ang long-time partners na sina Coco Martin and Julia Montes ang opisyal na nagbukas ng red carpet at the ABS-CBN Ball 2025 last Friday night na ginanap sa Solaire Resort North.

Coco was wearing a classic black and white ensemble while Julia was in a custom silk organza gown by Vania Romoff.

Ayon kay Coco sa panayam ng ABS-CBN, na-miss nilang lahat last year ang ball when it took a break kaya naman they really took time out na makadalo ngayong nagbalik na ang prestigious event.

“Siyempre, every time na may ganitong gathering ito ‘yung time na maka-bonding mo mga kaibigan mo, mga boss natin, at opportunity para makapagkumustahan at makapag-mingle. Ngayon excited lahat dahil last year wala tayong Ball eh and then ngayon nandito ulit tayo para magsama-sama,” sabi ni Coco.

“Of course super happy at lahat tayo nilu-look forward ang araw na ito. At tama ang tagline ng ABC-CBN ngayon ‘Brighter Together.’ We are brighter together all Kapamilyas, so looking forward,” sey naman ni Julia.

Asked what makes them proudly Kapamilyas, ani Coco, “Siyempre lahat ng mga proyekto natin ay pinaghihirapan at pinag-iisipan at napaparamdam natin na ano man ‘yung nangyari sa atin sa ABS-CBN, sa buong bansa, nandito tayo nagtitipun-tipon, makikita mo ang unity, nagmamahalan, nagsusuportahan, kaya nakaka-proud maging Kapamilya.”

Sabi naman ni Julia, “Siguro tama ang tawag sa atin Kapamilya kasi tayo through thick and thin, kahit anong pagsubok lahat tayo matibay kung sama-sama.”

KimPau, pinagpaplanuhan na agad ang susunod na gagawin!

Sa ABS-CBN Ball 2025 pa rin, magkasabay rumampa sa red-carpet ang magka-loveteam na sina Paulo Avelino at Kim Chiu.

Ito ang kauna-unahang pagdalo ng KimPau sa ABS-CBN Ball na magkasama.

“Masaya siyempre. it’s a different feeling na nandito kami celebrating with our Kapamilya sa industry and siyempre with Pau,” sey ni Kim sa panayam nang matanong kung ano ang kanilang feeling sa pagdalo sa ball.

Asked what makes him proudly Kapamilya, Avelino said: “Same sa tagline ng ABS-CBN – In the Service of the Filipino people. So we do our service by entertaining people and bringing smiles into people’s homes. So maramang, maraming salamat po mga Kapamilya.”

Kasunod nito ay nagpasalamat ang KimPau sa lahat ng nanood ng first movie nilang My Love Will Make You Disappear, na kasalukuyan pa ring showing in cinemas worldwide.

“First we want to say thank you sa mga nanood not only here in the Philippines but also across the world. Nakikita namin sa mga social media namin. So we are happy and thankful for that overwhelming support. Sa mga hindi pa nakakapanood, panoorin niyo nasa sinehan pa po siya,” ani Kim.

Sa tanong kung ano ang next project ng KimPau, sey ni Paulo, “for now, pinagpaplanuhan pa lang pero we’ll see. Planning stage pa lang.”

Sabi naman ni Kim, “hopefully. Let’s enjoy the night muna.”

Ang KimPau ang isa sa hinirang Best Dressed Pairs of the Night. Kasama rin sila individually sa Best Dressed Ladies and Best Dressed Men.

In fairness, ang ganda-ganda ni Kim in her Francis Libiran gown at ang guwapo naman ni Paulo sa kanyang all-white ensemble by Joey Samson.

COCO MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->