^

Pang Movies

JK, may hanash sa toxic breadwinner culture!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
JK, may hanash sa toxic breadwinner culture!
Juan Karlos Labajo
STAR/File

Nadismaya raw si JK o Juan Karlos Labajo sa tuwing naririnig niya ang mga batang contestant na sumasali sa Idol Kids para raw makatulong sa magulang nila.

Tanong ng singer-songwriter ay bakit daw hindi hayaang maging bata ang mga bata.

Kaya paalala niya na bago mag-anak ay siguruhin muna na may ipon.

Naging realidad na nga kasi ng buhay ang gamitin ng ibang mga magulang ang talento ng kanilang anak para makaahon sa kahirapan.

Hindi man pinipilit ang mga bata na kumayod ay kusa ang mga iyon na nag-e-effort na makatulong sa mga magulang nila dahil iyon lamang ang nakikita nilang paraan para maiahon ang pamilya nila sa hirap.

Nage-gets naman daw iyon ni JK dahil nanggaling din siya sa ganoong sitwasyon pero umaasa siya na matigil na ang ganoong toxic na breadwinner culture lalo na sa ating mga Pinoy.

Hindi na iyan bago lalo na sa showbiz.

Hindi mo rin naman masisisi dahil talagang gumanda rin naman ang buhay ng mga batang celeb at napakinabangan nila iyon hanggang sa tumanda sila lalo na kung magaling humawak ng pera ang magulang nila.

Pero nakakaawa rin naman talaga ang mga bata na sa halip na nag-e-enjoy sa kanilang kabataan ay nagtratrabaho na sa murang edad.

Unless ginagawa lamang nila iyon dahil gusto lang nila gaya ng anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto na may sey raw sa mga endorsement nila.

Sinaluduhan nga si JK sa ginawa nitong pag-call out sa mga magulang.

Obligasyon ng mga magulang na kumayod para sa mga anak nila noh.

‘Kaloka.

JUAN KARLOS LABAJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with