Julia at Coco, naudlot ang paglipad sa Africa!

Naudlot ang biyahe nina Coco Martin at Julia Montes sa Africa!
Ito sana ang unang pagkakataon na dadalhin ng ABS-CBN ang Kapamilya stars sa Kenya upang magpasalamat sa pagsubaybay sa mga programa nila na umeere sa iba’t ibang bansa sa Africa.
Isa sana itong milestone para sa kanila dahil pagkatapos ng maraming taon na pagtangkilik ng mga taga-Kenya sa mga Kapamilya teleserye ay makikita nila in person ang magkarelasyon.
Magaganap sana ang Kapamilya Live in Kenya sa Hunyo 28 sa Nairobi Cinema.
Pero lumalala ang gulo sa Middle East at maraming biyahe ang hindi muna itinutuloy.
Tuluy-tuloy nga raw ang pamamayagpag ni Coco sa Africa kung saan patok sa mga manonood ang serye niyang FPJ’s Batang Quiapo, na kilala sa pamagat na Gangs of Manila at kasalukuyang umeere sa 41 na bansa sa Africa. Tumatak din sa mga manonood sa Africa ang mga teleserye ni Julia tulad ng Ikaw Lamang, Doble Kara, Asintado, at iba pa.
Nagsimula 10 days ago at iginiit ng gobyerno at militar ng Israel na may kakayahan ang Israel na harapin ang banta ng Iran nang mag-isa. Kaya inaasahan hindi agad matatapos ang nasabing bangayan ng dalawang bansa.
Romnick, may emote sa impeachment ni VP Sara
Maraming umayon kay Romnick Sarmenta nang i-post niya ang opinyon kaugnay sa kontrobersiya sa impeachment complaint kay Vice President Sara Duterte.
Oo nga at pa-blind item naman ang post ng mahusay na aktor pero hulang-hula ng mga nakabasa na ang pinatutungkulan nito ay ang impeachment trial nga ni VP Sara.
Aniya sa isang X post, “inosente pero 16 ang kinuhang abogado.”
“Wala. Wala akong masabi…
“Inosente pero labinganim ang kinuhang abogado.”
Dagdag pa niya: “Led by the Holy Spirit pero nagpapalaganap ng fake news.
“Tapos ng pag aabugado pero di nagbabasa ng konstitusyon.
“Nagpapabayad ng buwis pero di nagbabayad.
“Namumuno pero walang pangunguna.
“Wala talaga,” ang buong pahayag ng aktor.
Kilalang matapang si Romnick pagdating sa current issues.
Maaalalang inilabas na 16 na abogado na magtatanggol kay Vice President Sara Duterte.
Ang law firm na Fortun Narvasa & Salazar, na ang pag-enter ng appearance “without prejudice to any jurisdictional and/or other objections” sa kaso ng bise presidente ng Pilipinas.
- Latest