KC at Aly, dinisplay na ang relasyon

Magkasamang dumalo sa isang kasal sina KC Concepcion at Aly Borromeo.
Makikita sa post ni Aly ang video kung saan maliwanag na nahagip si KC kasama ang isang batang babae.
Habang ipinost na rin ni KC ang mga litrato nilang magkasama sa isang video ng mga kaganapan sa kasal.
Para masigurong walang magiging hadlang sa “second time” nina KC at Aly, pinayuhan silang mag-lie low sa social media. Para raw hindi sila maapektuhan sakaling may mam-bash sa kanilang relasyon. But so far, puro positive ang nababasa naming comments.
Ang tila nega comment lang ay ang pagpuna ng isang netizen sa gamit na bag ni KC sa wedding. Ginawa raw nitong evening bag ang Hermes, hindi raw bagay sa okasyon.
Kyline, tipid-tipid
Nasa “tipid era” ngayon si Kyline Alcantara at sa interview nito kay Aubrey Carampel, sinabi ang dahilan. Para sa pamilya ang pagtitipid na ginagawa ng Sparkle artist, gusto niyang patayuan ng bahay ang kanyang pamilya.
“‘Yung dream house ko para sa aking pamilya para siyempre settled na sila and then ‘yung dream house ko naman talaga na para sa aking sarili in the future pa po ‘yun,” ayon kay Kyline.
Kaya magsisipag daw siya sa kanyang trabaho at wish na dumami pa ang kanyang endorsement na malaki ang talent fee, kaya mabilis siyang makakapag-ipon. Hindi niya nabanggit kung ilang milyon ang kailangan niyang ipunin para sa ipatatayong bahay for her family, basta magtatrabaho lang siya.
May bago siyang endorsement at malaki yata magbigay ang Avon. Saka, may gagawin siyang bagong series sa GMA 7 kasama si Barbie Forteza. Blind item pa ang pagkakasabi ni Kyline kung sino ang makaksama niya sa series na Beauty Empire, hindi siya aware na nasulat at naibalita na ang tungkol sa series nila ni Barbie.
Claudine, palaban para kay Julia
Ang matapang na post ni Claudine Barretto ng isang quote na “I may not be the mom. But I am the auntie. And I will always protect my nieces & nephews be they are also my babies. If you hurt them. I will hurt you even worse.”
Sinundan ito ng post na “Come to manila dear.”
Dahil walang binanggit na pangalan at wala man lang clue, ang hinala ng netizens na nakabasa sa post na ito ni Claudine, ang kanyang pinatutungkulan sa matapang na post ay ang na-call out din ni Julia Barretto. Siya ‘yung nag-post na ipinasara ni Julia ang isang resort sa Camiguin.
Nagbanta si Julia na idedemanda ang nag-post tungkol sa kanya, kaya in-edit ang original post. Kaya lang, marami na ang nakabasa at nahusgahan na si Julia, kaya nag-react at nagalit si Claudine.
Anyway, ang hula ng netizens, ang pinapupunta niya sa Manila ay ang nag-akusa kay Julia na nagpasara ng resort.
- Latest