^

Pang Movies

Kakai, ‘di nakakalimutan ang sarili

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kakai, �di nakakalimutan ang sarili
Kakai Bautista

Sa pagsalang ng komedyanteng si Kakai Bautista sa podcast na Your Honor, napag-usapan ang pagiging breadwinner niya ng pamilya.

Ayon kay Kakai na importante para sa mga provider sa family na huwag kalimutan ang kanilang mga sarili.

“Lahat tayong mga breadwinner sobrang mahal natin ang pamilya natin, pero nakakalimutan talaga natin mga sarili natin. Kaya lagi ko sinasabi sa mga post ko na, ‘pag bread winner ka, sarili mo muna. Kailangan mo intindihin ang sarili mo, kailangan pasayahin ang sarili mo.”

Minsan na raw kasing napagod si Kakai sa pagiging breadwinner.

“Napakahirap maging breadwinner. Kapag hindi ka masaya, mauubos ka. One time kasi sa buhay ko hindi na ako masaya sa pagiging breadwinner. Pagod na pagod na ako, pero nung binigyan ko ‘yung sarili ko ng limit. Oh eto lang ha! Binili ko na ‘yung gusto ko, kinain ko ‘yung gusto ko, naging mas masaya ako magbigay.  Kaya dapat ang breadwinner talaga intindihin muna ang sarili.”

Paolo, napaghandaan ang pakikipaglaban

Si Paolo Contis ang bagong kontrabida sa GMA Primetime series na Mga Batang Riles.

Naging physically challenging daw sa aktor ang role niya bilang si Jackson dahil kailangan niyang sabayan ang mga batang bida ng MBR.

Bilang paghahanda ay nagsimulang mag-jogging at magbuhat ng weights si Paolo.

“I’ve been running, lifting weights, talagang keeping myself healthy. So sakto nung dumating ‘tong opportunity sa MBR, I was physically prepared.”

Matagal ding napahinga sa paggawa ng teleserye si Paolo. Huli niyang tele­serye ay noong 2021 pa na I Left My Heart In Sorsogon with Heart Evangelista.

Mas nag-concentrate si Paolo sa TV hosting at sa paggawa ng mga pelikula tulad ng A Faraway Land, iZla, A Journey, Fuchsia Libre, Dear Satan at Happy Homes.

Jessica Simpson, bubuhayin ang career

After 15 years ay nagbalik sa pag-perform ang American singer-actress na si Jessica Simpson.

Noong nakaraang January, in-announce ng 44-year old singer ang pakikipaghiwalay niya sa husband na si Eric Johnson after 10 years of marriage. They have 3 kids: Maxwell, 12, Ace, 11, and Birdie, 5.

Ngayon ay open na siyang pag-usapan ito sabay ng launch ng kanyang bagong song titled Nashville Canyon, Part 1.

Sumikat si Jessica in 1999 dahil sa first single niya na Sweet Kisses. Nasundan ito ng I Wanna Love You Forever, Irresistable, I Think I’m in Love With You, at A Public Affair. She sold over 20 million albums worldwide.

Ang kanyang fashion line na Jessica Simpson Collection ay kumita ng $1 billion in 2014.  Ang net worth ni Jessica ay $200 million.

KAKAI BAUTISTA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->