Jake at Carlos, malungkot pa rin ang relasyon sa nanay

Ang lungkot naman ng mga pinagdaanan ni Charice Pempengco noon na Jake Zyrus na ngayon.
May nagsabi lang sa akin na may kumalat daw na video kung saan ikinuwento ni Jake ang mga masasakit na pinagdaanan niya noon.
Interesting daw talaga ang naging buhay ni Charice.
Kung nagkaroon man daw siya ngayon ng struggles bilang si Jake ay lahat daw ng rock bottom struggles ay naranasan niya noong Charice pa siya.
Ang sakit lang marinig sa kanya na mapa-suicide part, abuse, fame, support (real o fake), panloloko ng mga tao, lahat-lahat daw ay sinalo ng dating siya.
Kapag naiisip daw niya ang pinagdaanan niya noon ay doon niya napagtatanto na ang lakas pala niya at bayani raw ito para sa kanya.
Ang lungkot din marinig sa kanya na kalimutan na raw ng mga tao si Jake pero huwag lamang kalimutan ng mga ito ang narating ni Charice.
Kaya hindi masisisi si Jake kung hanggang ngayon ay dala pa rin niya ang sakit na naranasan noon.
Sa kabila nga ng tagumpay na natamasa niya noon ay may kaabikat pala na masasakit na karanasan.
Sana nga maging masaya na siya ngayon sa buhay na pinili niya at deserved niya iyon pagkatapos ng ilang taong pinaghirapan niya.
Nakakalungkot lang na hindi rin maayos ang relasyon nila ng nanay niya gaya ni Carlos Yulo at mukhang malabo pa nga silang magkaayos dahil sa mga traumatic experience na naranasan niya.
- Latest