GAT, mabilis nakilala

May isa na namang P-Pop group (all boys) na kinagigiliwan ngayon ng fans, ang GAT na binubuo ng limang kabataang singers, dancers and actors na sina Ethan, David, Charles Law, Michael Keith, Derick Ong at Hans Paronda, all individual performers na pinagsasama-sama sa isang grupo na pinangalanang GAT, acronym ng Gawang Atin `To na ang pangalan ay nagmula mismo sa big boss ng Viva Group of Companies na si Boss Vic del Rosario, Jr.
?Last Wednesday ay humarap ng limang teenage boys sa entertainment media at Viva Café kung saan sila nag-perform ng kanilang hit song na Daleng-Dale (cover from MMJ) at hit dance steps na viral ngayon among the netizens on TikTok.
?Most of them ay kasama ngayon sa tumatakbong hit series on Viva One, ang Mutya ng Section E na tinatampukan nina Andres Muhlach, Ashtine Olviga at Rabin Angeles at sa nasabi ring serye ginamit ang hit version ng GAT ng Daleng-Dale.
?Kahit ang mga GAT member ay nagulat sa naging warm reception ng fans sa kanila, sa kanilang song at dance steps.
?Gayunpaman, thankful umano sila sa Viva at sa fans dahil sa mabilis nilang pagsikat. Hindi rin nila ikinakaila na tagahanga umano sila ng SB19, BINI, BGYO, Alamat at iba pang P-Pop groups.
?Umaasa rin ang grupo na balang araw ay makapag-perform din sila sa Big Dome at sa iba pang malalaking venues maging sa ibang bansa.
?Kim at Paulo, rarampa sa MIFF
?Lumipad patungong Los Angeles, California ang rumored sweethearts at mga bida ng pelikulang My Love Will Make You Disappear na sina Kim Chiu at Paulo Avelino para dumalo sa gala night ng Manila International Film Festival on March 7, 2025 na gaganapin sa Beverly Hills Hilton.
?Although hindi kasali ang pelikula nina Kim at Paulo sa 50th and 2024 Metro Manila Film Festival, dumalo ang dalawa para mai-promote ang kanilang first movie together sa ating mga kababayan sa Amerika na magsisimulang ipalabas sa darating na March 28. Haharap din ang dalawa sa local media in L.A.
?After their L.A. trip ay babalik kaagad ang dalawa sa Pilipinas para sa kanilang tuluy-tuloy na promo hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa key cities ng Pilipinas including Cebu and General Santos City.
?Bago ang kanilang pelikula ay dalawang beses nagtambal sina Kim at Paulo sa magkahiwalay na serye, ang Linlang at ang Philippine adaptation ng Korean romance-comedy-drama series na What’s Wrong with Secretary Kim.
ABS-CBN Tower, naging simbolo ng Kapamilya
?Tiyak na maraming supporters ng ABS-CBN ang malulungkot kapag inalis na ang iconic ABS-CBN Tower na matatagpuan sa panulukan ng Mother Ignacia St. and Sct. Esguerra St. in Quezon City na naging simbolo rin ng Kapamilya network sa loob ng maraming dekada since 1953. Bukod sa isa rin ito sa mga tumatayong landmark ng Quezon City, being the entertainment capital ng siyudad.
?Ang pag-aalis ng ABS-CBN iconic tower ay bunsod sa pagkawala ng prangkisa ng dating number one TV network nung May 5, 2020 sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na naging daan ng pagkawala ng trabaho ng libu-libong empleyado ng TV network, mga director, writers, production people, hosts, artista, suppliers at marami pang iba.
?Masaya kaya ngayon ang mga kongresista na nagkaisa na tanggalan ng prangkisa ang ABS-CBN?
- Latest