Panganay nina Cesar at Sunshine college graduate na, papasukin na rin ang showbiz?!

Wow, graduate na pala sa kolehiyo ang eldest nina Cesar Montano at Sunshine Cruz, si Angelina.
Nag-post si Cesar ng graduation photos na kasama sila ni Sunshine at may caption na : “ Congrats “BUCHING” Angelina Isabelle C. Montano & to all De Lasalle graduates today!!! HAPPY GRADUATION DAY!!! I can’t be more proud of you my baby Buching!! May our Great God in heaven continue to protect & guide you in your life. In JESUS NAME!!! Amen! Labyu! Anak !!!”
Tulad ng actor, super proud din si Sunshine sa anak : “1 down. Angelina! We are so proud of you! I’ve always prayed for this. Keep shining and we will be by your side all the way. We love you! Congratulations!”
Ngayong naka-graduate na ito, diumano’y papasukin na rin nito ang showbiz. At ang unang assignment, diumano’y magiging housemate siya sa pagbubukas ng Bahay ni Kuya sa March 9 na collaboration ng ABS-CBN and GMA 7, ‘yan ay kung wala raw pagbabago sa lineup ng mga papasok na housemate.
- Latest