^

Pang Movies

Boy Abunda, hindi na umalis sa pinagmulan

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Boy Abunda, hindi na umalis sa pinagmulan
Boy Abunda

Last Wednesday, February 18 ay muling lu­magda ng panibagong kontrata sa GMA Network ang King of Talk na si Boy Abunda, host ng hit afternoon daily showbiz talk show na Fast Talk with Boy Abunda na napapanood everyday from 5:00 p.m. to 5:30 p.m. on GMA.

Sa hindi nakakaalam, ang TV career ni Boy ay nagsimula sa GMA when he hosted Show and Tell kasama si Gretchen Barretto. Nakasama rin sa show sina Ai-Ai de las Alas at Lolit Solis.  Isang taon lamang sa ere ang nasabing show at ito’y pinalitan ng Startalk which Boy co-hosted with Kris Aquino mula 1995 hanggang 1999 at kasunod na rito ang kanilang paglipat sa ABS-CBN to host  The Buzz na isa ring showbiz-oriented talk show.

Boy is a self-made man.   Nagmula sa isang mahirap na pamilya sa Borongan, Eastern Samar, siya’y nagsikap at unti-unting naabot ang kanyang mga pangarap.

Sa kabila ng kanyang busy schedule, nairaos ni Boy ang kanyang pag-aaral in college, took his master’s degree hanggang doctorate.

Si Boy ay isa sa mga well-loved personalities in the industry dahil sa kanyang napakandang PR sa lahat ng tao at wala siyang pinipili.

Cedrick ikakasal na kay Kate

Kung hiwalay na ang dating engaged couple na sina Sam Milby at Catriona Gray, newly-engaged naman ang 2023 Metro Manila Film Festival Best Actor (for the movie GomBurZa) na si Cedrick Juan sa kanyang kasintahang actress na si Kate Alejandrino.  Ang engaged couple mismo ang nag-post sa kanilang respective Instagram account last February 19 na may kinalaman sa kanilang engagement.

Si Cedrick ay nagsimula sa teatro bago siya napasok sa telebisyon at pelikula.

Nag-audition siya para sa ibang role para sa pelikulang GomBurZa pero ang director ng pelikula na si Pepe Diokno ang nag-desisyon na kanya na ibigay ang papel ni Fr. Burgos. Ito ang naging pasaporte niya para sa kanyang kauna-unahang Best Actor trophy mula sa 2023 MMFF.

Buntis na diumano si Kate.

Alex Calleja, masakit ang alaala sa ama

Hindi ikinakaila ng sikat na stand-up comedian na si Alex Calleja na wala umano siyang naging magandang relasyon sa kanyang namayapang ama dahil ipinagpalit daw sila ng kanyang pamilya sa tatlo pang ibang pamilya.  Pero nang magkasakit umano ang kanyang ama sa piling ng pang-apat na pamilya ay siya ang tumulong dito hanggang sa pagpanaw nito.

“Nakakapanghinayang lamang na wala kaming (sampung magkakapatid) good memories sa tatay namin na nagta-trabaho noon sa PNR habang ang nanay namin ay nagsusugal ng mahjong,” pagbabalik-tanaw ni Alex.

“Hinayaan ng tatay namin na magsugal ang nanay namin para hindi siya masita,” kuwento pa niya.

Meron din umano silang sampung half-siblings sa tatlo pang naging pamilya ng kanilang ama.

Pero sa kabila ng pagkakaroon ng ibang pamilya ng kanilang ama ay hindi siya nagtanim ng galit dito kundi panghihinayang na hindi man lamang daw sila nakapag-bonding bilang mag-ama.

Si Alex ay isa sa pinakasikat na male stand-up comedian sa Pilipinas at nangunguna ngayon sa Netflix ang kanyang palabas na Tamang Panahon.

BOY ABUNDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with