Angelica, iniinda pa ang sakit sa hip replacement
Matapos sumailalim sa hip replacement surgery few weeks ago, road to full recovery na si Angelica Panganiban at malaki na nga ang improvement ng kanyang kondisyon bale sa inilabas niyang bagong vlog.
Sa nasabing bagong vlog ay ibinahagi ng aktres ang kanyang recovery journey simula nang lumabas ng hospital. “Swiftly naman akong nakaka-recover. Fourth day after the surgery nakalakad na ako without the walker,” sey ni Angelica.
Dagdag pa niya, “medyo mayabang ‘yun kasi hindi lahat, nagagawa ‘yun and siyempre iba-iba naman tayo ng pag-recover, kanya-kanyang katawan ‘yan, kanya-kanyang midset ‘yan. Pero siguro, talagang ako ay palaban and kating-kati na talaga akong makalakad ng normal.”
Proud niya pang sabi, “Yes, nakakapag-mall na kaming pamilya, nakakapasyal na.”
‘Yun nga lang, may pain pa rin sa right hip niya na hindi sumailalim sa replacement.
“Talagang iniinda ko pa rin ‘yung right side ng hips ko. At least hindi na parehas. Hindi na parang bibigay ‘yung buong lower body ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
“So, manageable ‘yung pain, pero siyempre, hindi pa rin isang daang porsyento ‘yung naramdaman kong ginhawa.
“So I’m hoping na sa mga therapy na ginagawa ko ay makatulong ‘yun sa aking naiwang right hip,” aniya.
Matatandaang last year nang i-reveal ni Angelica na na-diagnose siya ng avascular necrosis or bone death. Matagal-tagal ding nagdusa ang aktres sa kanyang sakit bago tuluyang nakapagdesisyon na sumailalim na sa hip replacement para masolusyunan ang kanyang karamdaman.
Sandro, may mensahe sa mga biktima ng rape at sexual abuse!
Nagsalita si Sandro Muhlach tungkol sa hirap na kanyang pinagdaanan kaugnay ng paglantad niya sa publiko hinggil sa naranasang pang-aabuso sa kamay ng dalawang GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Ito ay matapos ngang sampahan ng Department of Justice ng mga kasong rape through sexual assault at acts of lasciviousness sina Nones at Cruz nitong nakaraang Miyerkules.
Sa kanyang Instagram Story kahapon ay sinabi ng anak ni Niño Muhlach na hindi raw madali sa kanya ang lumantad at isapubliko ang kanyang naranasan. “It was very difficult for me to tell my story — to come forward and tell the public that I was sexually assaulted and abused,” aniya.
Ibinahagi rin niya ang kanyang mga tiniis kaugnay ng pangyayari kabilang na ang trauma at online bullying.
“Yung mga kinakatakutan mangyari ng mga biktima, nangyari sa akin. In addition to the trauma that I suffered from being sexually assaulted and abused, I also had to endure online bullying and harsh and cruel criticisms,” he said.
Inalala ng newbie actor na pinalabas pa siyang sinungaling ng ibang tao. Pero hindi raw siya nawalan ng pag-asa at nagtiwala sa ating justice system. “Napakadaming masasakit na salita ang sinabi tungkol sa akin, at pinipilit na ako pa raw ang nagsisinungaling dahil wala akong ebidensya.
“But I did not lose hope. And finally, our justice system has acknowledged the truth,” ani Sandro.
Kaya naman nagbigay ng payo si Sandro sa mga katulad niyang biktima ng rape at sexual abuse na huwag matakot at matuto ring lumaban.
“For all the rape and sexual abuse victims out there, ‘wag nating hayaang manalo ang mga nagsamantala at bumaboy sa atin.
‘Wag nating hayaan na patahimikin nila tayo. Tayo ang biktima. Tayo ang inabuso. Tayo rin ang papanigan ng katotohanan,” ang payo ni Sandro.
- Latest