^

Pang Movies

Direk Laxamana, naapektuhan sa mga weather report

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Direk Laxamana, naapektuhan sa mga weather report
Direk Laxamana

Dismayado ang direktor na si Jason Paul Laxamana at sinabing hindi na raw dapat isama sa mga balita ang tungkol sa mga papasok at darating na bagyo sa Pilipinas, dahil hindi naman naiintindihan ng mga tao ang ginagamit nilang scientific terms na ang nakakaintindi lamang ay meteorologists at nagdudulot lamang ng takot sa mga tao.

Inisa-isa pa ni Laxamana, “sino ba ang nakakaintindi ng PAR, ng Fujiwara effect, ng high at low pressure area”?

Si Laxamana ay isang direktor ng pelikula, hindi naman siya isang meteorologist. Marahil ang tinutukoy niya ay ang istilo ng pag­hahatid ng balita na siyang problema ng mga broadcasting stations sa telebisyon at radyo na gumagamit ng technical terms na hindi naman nauunawaan ng karamihan.

Hindi naman puwede ang sinasabi ni Laxamana na hindi na iyan dapat ibalita, dahil mahalaga iyan para makapaghanda ang mga mamamayan, at lalo na ang mga mangingisda at mga naglalayag sa dagat.

Pero tama siya na ang forecaster ay dapat maipaliwanag ang sinasabi niya.

Male celeb, naunsyami ang madilim na plano sa friend

Balak palang pikutin ng isang male celebrity ang isa niyang kaibigang lalaki rin. Niyayaya niya iyon sa abroad kung saan naninirahan din ang kanyang pamilya, iyon pala ay iba na ang kanyang plano, walang kamalay-malay si friend na diniborsiyo na pala ni male celebrity ang kanyang asawa. At ang plano pagdating doon ay pipilitin niya ang kanyang friend na pakasal sila para makakuha iyon ng citizenship sa nasabing bansa.

Kung mangyayari nga naman iyon, hindi na makakawala sa kanya ang kanyang friend, dahil nagpakasal na nga silang dalawa.

Legal kasi ang same sex marriage sa kanilang bayan kaso may nagbunyag ng kanyang plano, nabuko siya ng friend niya na ngayon ay galit na sa kanya at ayaw na siyang makita.

Rita, nanggulat

Nakakagulat naman na biglang nagsampa ng kasong acts of laciviousness si Rita Da­niela laban sa co-star na si Archie Alemania, sa piskalya ng Bacoor City. Doon inihain ang demanda dahil si Rita ay residente ng Bacoor at sinasabi niyang siya ay namanyak sa harap ng kanilang bahay nang ihatid siya noon mula sa isang party na kapwa nila dinaluhan na ginanap sa bahay ni Bea Alonzo.

Kinabukasan nag-text daw iyon sa kanya humihingi ng dispensa at ikinatuwirang lasing lamang siya kaya niya nagawa ang mga bagay na iyon.

Samantala, nagsampa rin ang DOJ ng isang kasong rape at dalawang counts ng acts of lasciviousness laban sa dalawang baklang GMA independent contractor sna sina Jojo Nones at Dode Cruz sa Pasay City RTC.

Matapos na malaman ang development sa kaso, agad na nag-post ng kasiyahan si Sandro Muhlach sa social media tungkol sa kaso at sinabi iyan ay wala nang urungan, na hindi totoo ang sinasabi ng ilan na naareglo na siya kaya nanahimik.

Sinabi niya na hindi makukuha sa ano mang areglo ang ginawang panghahalay sa kanya, at kaya lamang sila tumahimik ay dahil pinag-aaralan pa ng piskalya ang isasampa nilang kaso.

Samantala ang kampo naman ng dalawang baklang sina Nones at Cruz ay nagsabing hinihintay pa ng kanilang abogado ang opisyal na demanda na isinampa ng DOJ at sasagutin nila iyon.

JASON PAUL LAXAMANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with