^

Pang Movies

Xia Rigor, mas gustong mag-artista kesa tumira sa England!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Xia Rigor, mas gustong mag-artista kesa tumira sa England!
Xia

Teen star na ang dating child star na si Xia Vigor, ang 15-year-old British-Filipino na nagsimulang makilala ng publiko nang ito’y sumali sa hit Mini-Me 2 segment ng noontime show na It’s Showtime kung saan siya ang tinanghal na grand winner. Magmula noon, ay tuluy-tuloy na ang pag-alagwa ng career nito laluna nang gawin nila ni Aga Muhach ang Philippine adaptation ng Korean hit movie na Miracle in Cell No. 7 nung 2019 na siyang nanguna sa box-office sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Naputol ang tuluy-tuloy na paggawa ng pangalan ni Xia nang magka-pandemic kaya nagdesisyon ang kanyang inang si Christine Bernardo na umuwi sila sa kanyang hometown in Mindoro kung saan sila namalagi sa loob ng mahigit dalawang taon. Bumalik lamang sila ng Maynila nang unti-unti nang bumalik sa normal ang lahat.

This year ay nakagawa si Xia ng dalawang pelikula, ang comedy movie at directorial debut ng actor-comedian-director na si Janno Gibbs sa pamamagitan ng Itutumba Ka Ng Tatay Ko na sinundan ng horror-suspense movie na Nanay, Tatay na kasalukuyang palabas sa mga sinehan.

Dapat sana’y sa England mag-aaral si Xia pero mas matimbang ang kanyang pagmamahal sa showbiz kaya siya nanatili sa Pilipinas.

BL movies, magkasunod sa Vivamax

Magkasunod na palabas on Vivamax streaming app ang dalawang magkahiwalay na BL movies, ang Pwede G, Puwede B at Bigayan na parehong pinamahalaan ni Ivan Andrew Payawal.

Sina Gio Gahol, Julias Roxas, Elora Españo at Claudia Enriquez ang mga tampok na bituin sa Puwede G, Puwede B na ipinalabas nung nakaraang Sept. 25, 2024 na sinundan naman ang BL movie na Bigayan kung saan tampok naman sina Mike Liwag at Jesse Guinto na parehong nagsimula sa teatro.

Ang dalawang pelikula ay produced ng The IdeaFirst Company for Vivamax.

Martin at Pops, iisa ang source of joy!

Mag-iisang taon na ngayong December ang unang apo ng dating mag-asawang Martin Nievera at Pops Fernandez na si Baby Finn (Phineas) sa kanilang panganay na anak na si Robin Nievera at Chicago-based partner nitong si Mian Acoba.

Hindi ikinakaila ng dating mag-asawa na si Baby Finn umano ang kanilang bagong source of joy magmula nang ito’y isinilang.

Kapag nasa Amerika ang dating mag-asawa either magkasama or individually, they make it a point to spend some time with their apo in Chicago, USA kung saan naka-base ngayon ang mag-partner na Robin at Mian.

Samantala, excited na ang loyal fans nila sa Pilipinas for their pre-Valentine major and reunion concert na pinamagatang Always & Forever na gaganapin sa SM MOA Arena on Feb. 7, 2025.  Ang nasabing concert ay magkakatulong na ipu-produce ng Viva Live, Star Media at DSL Productions.

Kasalukuyang nasa Amerika ang former couple for a series of shows.

XIA VIGOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with