^

Pang Movies

Dani Zam, natagpuan ang ilaw sa gitna ng kadiliman

Pang-masa

MANILA, Philippines — Binigyan ng up-and-coming singer-songwriter na si Dani Zam ng masusing palaisipan ang pagharap sa pag-ibig sa kanyang extended play (EP) na curfew.

Ang six-track EP ay tinampok ang ideya ng paggugol ng labis na oras sa pagproseso ng damdamin sa kabila ng pagsubok na pagkontrol dito.

Siya ang sumulat ng lahat ng mga track sa curfew kabilang na ang key track moon, kung saan nakita niya ang kanyang mahal sa buhay bilang ilaw sa gitna ng kadiliman na nagdadala sa kanya sa pag-ibig. Ang iba pang awitin na kabilang sa mini album ay beso, love u better, hilo ever, and bye bye na.

Bilang isang self-taught na gitarista at producer, nakakakuha siya ng impluwensya sa jazz, hiphop, R&B, at classical music. Tinitingala rin niya ang mga music icon gaya nina Stevie Wonder, Justin Timberlake, at JoJo.

Nag-debut si Dani bilang isang recording artist matapos ang paglunsad ng kanyang unang EP na EDEN noong 2021 kung saan tinampok ang tracks na Say It and Made of Love.

Nilabas niya nakaraang taon ang kanyang first single sa Tarsier Records na beso, na nakakuha ng 450,000 streams sa Spotify. Bago ang curfew, nilunsad din niya ang dalawang single na hilo at ever, kung saan ang huli ay tinampok sa iba’t ibang editorial playlists tulad ng Spotify’s Pinas Vibes at EQUAL Philippines.

Pakinggan ang latest EP ni Dani na curfew na mapapakinggan na sa iba’t ibang digital streaming platforms.

CURFEW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with