Ibang pelikulang ipinasa sa MMFF, minamadali pang tapusin
Sa Martes, Oct. 22, na ang announcement ng limang finished films na pasok sa sampung entries ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Patapos na raw ang screening sa 31 films ng Selection Committee, at may naririnig kaming komento sa ilang pelikulang isinumite.
Pero narinig din naming may ilang isinumite na hindi pa talaga tapos na tapos.
Sabi naman ng taga-MMFF, tatanggapin nila kahit rough edit lang ito. At kahit kulang-kulang pa, na-appreciate na raw ng nasa selection committee.
Kaya parang may ideya na kami kung alin ang makakapasok.
Mga kilalang artista talaga ang involved, kaya’t inaasahan nilang star-studded talaga ang #MMFF50.
Nakatsikahan nga namin si direk Chito Roño sa media conference ng SB90s The Streetboys Reunion Dance Concert, inamin niyang nahirapan siya sa Espantaho na isinumite ng Quantum Films at Cineko Productions sa finished films ng MMFF.
Pinag-iisipan na nga raw niyang ito na ang Espantaho ang huling horror film na gagawin niya. “Nahirapan ako rito technically,” pakli ni direk Chito Roño.
Hindi na niya maikuwento ang ilang detalye sa pelikulang ito nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino.
‘Yung Streetboys reunion concert na lang daw muna ang pag-usapan dahil sa Nov. 8 na ito na gaganapin sa New Frontier Theater.
Miguel, nagsusulat ng libro para sa anak!
Computer games ang nakahiligang bonding ng rumored sweethearts na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.
Ibinahagi nila sa nakaraang launch ng Belle Dolls ng Beautederm na kung saan kabilang silang dalawa sa brand ambassadors ng produktong ito ni Miss Rei Anicoche-Tan, kasama sina Shaira Diaz at Sofia Pablo.
Natanong sa kanila kung kailan nila naramdaman na beautiful sila, na siyempre kasama ang pamilya at mahal nila sa buhay.
Ang maganda pa rito, naipapamalas pa ni Ysabel ang isang talent pa niya ang pagkululuto. Mahilig kasing magluto si Ysabel at kapag nasa kanila si Miguel, naghahanda ito ng mga little snacks na sinasabi niya.
“Mahilig kasi po ako magluto. Actually, favorite ko ‘yung… may ginagawa akong mga maliliit na snacks for myself, for example bago kami maglaro ng games, ‘pag magbabasa ako.
“Ever since na umiinom ako ng Belle Dolls, gusto ko lang sabihin na sinali ko ‘to sa mga recipes ko. ‘Yung strawberry lychee, kasi mahilig ako sa sweets. Ang ginagawa ko parang jello, parang ginagawa ko siyang flavor sa jello.
“Para kang nakakain ng jellyace, pero eto it’s good for your health. So, may mga na-discover ako na maliliit na recipes sa TikTok, tapos ina-apply ko siya sa mga iniinom ko araw-araw,” tsika ni Ysabel.
Si Miguel naman ay naging active na rin at nagsusulat pala siya ngayon ng libro.
“Kaya ako nagta-travel ‘yung adventure… that’s why I always go anywhere. Solo, backpacking, kasi ‘yung mga experience na nakukuha ko is magiging part ng story ng buhay ko na puwede kong ibahagi sa mga kaibigan ko, sa magiging anak ko in the future.
“Actually, may sinusulat ako ng book ngayon ng lessons sa buhay na gusto kong ibigay sa anak ko, ‘pag 18 niya ganun. So, para sa akin, feeling ko satisfied, beautiful ako inside and out kapag nakakapag-share ako ng knowledge and aral sa ibang tao,” pakli ni Miguel Tanfelix.
Pagkatapos ng Belle Dolls launching nila, mag-bonding sina Miguel at Ysabel sa Japan, mag-walking walking daw sila roon.
- Latest