^

Pang Movies

Derek, nag-fanboy kay Caloy!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Derek, nag-fanboy kay Caloy!
Carlos Yulo at Derek Ramsay

Nakapagpakuha ng litrato at tila nag-fanboy ang aktor na si Derek Ramsay kasama ang two-time gold Olympic medalist na si Carlos Yulo.

Ipinost ng mister ni Ellen Adarna ang selfie kasama ang Olympian na mukhang kuha sa isang party.

Simple lang ang naging caption ng aktor na limang gold medal emojis.

Gumawa nga ng history si Caloy sa 2024 Paris Olympics kung saan nag-uwi siya ng dalawang gold medals na pangalawa lamang sa gold medalist sa bansa natin.

Abala rin ang medalist sa pagdalo sa iba’t ibang homeco­ming events pagkatapos niyang bumalik sa bansa kasama na roon ang meeting niya kasama si President Bongbong Marcos at pati na rin ang heroes’ parade.

Pero mapapansing hindi pa rin tinatantanan si Caloy ng bashers na kampi sa nanay niya. Hindi pa rin nga raw kasi nito kinokontak ang pamilya at kasalukuyang kasama ang girlfriend na si Chloe San Jose.

Kahit positibo ang litrato ay may netizen pa na nagkomento at inutusan pa si Derek na turuan daw ang bata na mahalin ang magulang nito na umani ng halu-halong reaksyon mula sa ibang netizens.

Ayon sa ibang netizens ay huwag nang pakialaman ang intriga ng pamilya nito dahil wala tayo sa posisyon para maintindihan ang totoong nangyayari sa kanila at iselebreyt na lamang ang pagkapanalo ni Caloy.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with