^

Pang Movies

Direk Joel, naawa sa mga suspect sa panghahalay

Gorgy Rula - Pang-masa
Direk Joel, naawa sa mga suspect sa panghahalay
Joel Lamangan

MANILA, Philippines — Ipinagkibit-balikat na lamang ni direk Joel Lamangan, kapag napapag-usapan ang mainit na isyung sexual harassment.

Hindi na raw bago ang ganyan na para sa kanya matagal nang kalakaran ‘yan sa showbiz.

Ang kaibahan lang, hindi nag­rereklamo ang mga artista, kundi ‘willing victim’ naman sila.

Kilala ni direk Joel ang dalawang independent contractors ng GMA 7 na inireklamo ni Sandro Muhlach.

Hindi lang daw niya nakatrabaho si Jojo Nones, pero may mga project siya noon sa GMA na involved si Richard ‘Dode’ Cruz.

Kilalang-kilala raw niya si Dode at napakabait daw nito.

“Mababait ‘yung mga bading na ‘yun. Hindi naman balahura,” sambit ni Direk Joel.

“Mabait si Dode. Kawawa naman ‘yon.”

Pulang…, kinukwestyon ang mga nag-e-English

Sobrang maingat ang buong team ng drama series na Pulang Araw sa production nito.

Nakikita namang ang linis ng production design, pati ang script at dialogue ng mga pangunahing karakter.

Pero hindi maiwasang may pumupuna pa rin.

Kahapon sa X account ng head writer nitong si Suzette Doctolero, ipinaliwanag niya kung bakit merong nag-e-English, Tagalog at Japanese sa seryeng ito.

Nagsimula na ang giyera sa mga susunod na episodes ng Pulang Araw.

Sana mapanood ito ng mga kabataan na kulang pa talaga ang kaalaman sa nangyari sa ating bansa noong panahon ng giyera.

vuukle comment

JOEL LAMANGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with