Kakasuhan... Gerald Santos, ibinunyag na ginahasa ng musical director 19 years ago
“Ako po ay hindi po na-harass, hindi po na-abuse.Ako ay na-rape po. Na-rape po ako, your honor,” pag-amin ng singer na si Gerald Santos.
Pero naganap ang diumano’y panggahasa ng isang musical director 19 years ago.
Sa kauna-unahang pagkakataon nga ay inamin ng singer-actor na ginahasa siya ng isang dating musical director.
Sa pagsasalita sa pagdinig ng Senate committee on public information and mass media na nag-iimbestiga sa mga kaso ng sexual harrassment sa industriya ng entertainment, nilantad ni Gerald ang tungkol sa pang-aabusong dinanas niya sa kamay ng hindi pinangalanang musical director.
Nang tanungin siya ni Sen. Jinggoy Estrada, “There are a lot of definitions of rape. How did you say it was rape?”
“Handa po akong ikwento dito ang nangyari, pero ako po ay natatakot na baka po ako ay balikan ng mga taong ito,” sabi pa Gerald.
Heart, pinauso na ang pagsusuot ng mamahaling kuwintas sa mga aso
Biglang naging trend na ang pagsusuot ng expensive necklace sa mga alagang aso ng followers ni Heart Evangelista. Ang daming nag-tag sa kanya sa Instagram.
Ang daming ngang naloka in a funny way sa isang Instagram story ni Heart days ago kung saan ipinasuot niya kay Panda Ongpauco Escudero ang Serpenti Viper necklace in 18 k white gold, set with full pavé diamonds na ang estimated cost pala ay P11 million.
Aniya sa caption: “Heiress.”
Same necklace ‘yun sa suot ni Pia Wurtzbach sa kanyang post bilang Bulgari’s newest ambassador. Habang si Heart sa kanyang alagang dog ang nagsusuot.
Na ngayon nga ay ginagaya ng followers ng misis ni Senate President Chiz Escudero. At hindi lang sa mga aso, pati sa mga pusang alaga nila.
Bini-baby ng marami ang mga alaga nilang aso at pusa na namamasyal na naka-stroller na akala mo talaga baby pero pagtingin mo, cute puppy pala.
Anyway, pakiramdam ng ibang followers ay ‘gumanti’ si Pia nang banggitin niya sa isang post kasama ang husband niyang si Jeremy Jauncey ang word na ‘cheese.’
“Jeremy’s been working hard…probably the hardest and most focused I’ve ever seen him. He doesn’t post about it a lot but this man has been working nonstop on some exciting progress and growth for @beautifuldestinations. I’m so proud.
“I, too have been planning and working on some exciting things I have in the pipeline for my career…with his support & encouragement for sure.
“Excuse the cheese but I’m just so grateful to have a partner who lets me fly and reach for my goals!” na may kalakip na sweet photos nila.
Pero at the end of the day talaga, Sen. President si Chiz.
Caloy hindi na raw makontak ng pamilya, hinamong ipakitang role model tulad ni Pacquiao
Dedma pa pala si Paris Olympic double gold medalist Carlos Yulo sa P5 million incentives ni former Ilocos Gov. Chavit Singson. Kapalit nga ng P5 M ang pakikipag-ayos ni Carlos sa kanyang pamilya.
Kaya ang hamon ng pulitiko / negosyante, “Ipakita mo na role model ka,” nang makausap ng entertainment media sa grand opening ng 11th branch ng BBQ Chicken resto sa Festival Mall, Alabang kahapon.
Nauna nang nakausap ng dating pulitiko ang pamilya ni Carlos. “Sampu lahat sila. Nanay, tatay niya, mga kapatid niya. ‘Di na raw nila makontak. So nakiusap ako kay Caloy kung marinig man niya, pamilya mo muna dahil wala ka naman dyan kung hindi sa kanila. So ako, hindi sa nakuha mong gold kako, ‘yung ibibigay kong 5 milyon dagdag lang sa pamilya n’yo, sa’yo rin. Pero gusto kong magbati silang pamilya,” paliwanag pa ni Mr. Singson.
Dagdag niya pa, ipakita rin ni Carlos bilang isang idolo na importante ang pamilya. “Walang maka-contact sa kanya, eh. Pero kinu-contact ko na siya kaya nakikiusap ako kay Caloy na ipakita niya na ngayon champion siya, naka-gold, ipakita niya na siya ang ano, role model, of the family. Eh, ‘di maganda ‘yung pinapakita niya kung hindi siya makipag-reconcile sa pamilya,” dagdag pa ng dating gobernador.
Kilalang tagasuporta ng mga atletang Pinoy tulad ng world boxing champ na si Manny Pacquiao, ang pinaka maipapayo raw niya kay Caloy ay, “Kung anuman ang nangyari sa kanila, kalimutan na niya. Nasa sampung bilin ‘yon ng Diyos, respect thy father and thy mother.”
At inulit niya muli ang pakiusap kay Caloy: “Caloy kung nakikinig ka man, nakikiusap ako, kausapin mo pamilya mo, ’wag mo na sila pahirapan dahil ‘yang gold na nakuha mo, hindi lang para sa ‘yo kundi para sa lahat, specially your family. Wala kang pinanggalingan kung hindi sa mga family mo. Kung ano ang mga nangyari, patawarin mo na sila. Bilin din ng Diyos ’yan, forgive your… Magbati lang sila, okay na, bigay ko sa kanya P5 million,” pahayag pa ng dating governador na nagsabing naawa siya sa ama ni Caloy nang mapanood itong kahalo ng fans sa parada.
Samantala, nagsalita rin siya tungkol sa kontrobersya sa animal maltreatment nang nag-viral ang isang video ng lion na sinasampal ng care taker para magising at maka-selfie ng mga namamasyal sa Baluarte Zoo.
“Hindi naman totoo ‘yun. Ang lion mukhang inaantok kasi talagang puyat ‘yang mga ‘yan ‘pag gabi sumisigaw, nagsisigawan sila. Kaya talagang inaantok ‘yung mga lion. Pero ‘yung lalaki na sabi nila na sinampal niya, pinatanggal ko agad. Hindi lang isa ‘yun mortal sin sa Baluarte, sa akin ‘yan kapag may nag maltrato ng [hayop]. Sabi niya laro lang naman nya ‘yun. Hindi naman niya sinaktan.”
Samantala, target ng pamilya Singson na makapagtayo ng 300 BBQ Chicken restos sa iba’t ibang bahagi ng bansa, anang mga anak ni Chavit na sina Rep. Richelle at Carlene.
- Latest