^

Pang Movies

Pulitikong papa, nag-gibsung ng brand new car at condo sa female TV host na Boobsie

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Living in style pala ngayon ang female host na sikat sa kanyang looks at kaseksihan!

Eh paminsan-minsan na rin kasi siyang makita sa mundong ginagalawan kaya nagulat kami sa tsika ng aming source sa mundo niya ngayon mahina na ang kanyang exposures!

Ang female host daw ay dyowa ng isang elected official na kilala sa mundo ng pulitika.

Ayon pa sa aming source eh binigyan si female host ng sports car at condo ng dyowa niya ngayon! Tapos, may pera pang ibinigay sa kanya na mahiwaga ang pinanggalingan, huh!

Tahimik pero mapanganib pala ang seksing female host dahil hindi ordinaryong tao ang nabingwit!

Martin, thankful!

Todo-pasasalamat ang Concert King na si Martin Nievera kina Ogie Alcasid at Cacai Mitra dahil pinagtiwalaan siyang iprodyus ng malaking concert sa Araneta Coliseum, ang The King 4Ever sa Sept. 27.

Maraming beses nang nagkaroon ng concerts sa malalaking venues here and abroad. Kaya naman mas gusto niya ngayon sa mas intimate na lugar.

Eh hindi makatangggi si Martin kahit hindi napag-usapan ang ibabayad sa kanya.

“I want something na interactive sa concert ko. Alam naman ninyo kung sa anong genre ako nagustuhan. Sinabukan ko ngang mag-rap noon pero hindi kinagat.

“Now, I am being directed by Paolo Valenciano na anak ni Gary V. Imagine that? I am so grateful!” pahayag ni Martin sa mediacon niya sa Skybar sa 38th floor ng bagong tayo na Solaire  Resort North sa QC.

Kitang-kita ang excitement kay Martin lalo na sa trust ng dalawang producers at isa sa guests ay si Regine Velasquez.

vuukle comment

MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with