^

Pang Movies

Ivana, may pangit na naramdaman

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ivana, may pangit na naramdaman
Ivana Alawi
STAR/File

Ang bongga naman ni Ivana Alawi na inaming meron siyang mga naging manliligaw na aniya intimidated sa kanya.

Inamin din ng kapatid ni Mona na nakikipag-date siya sa iba at wala raw siyang karelasyon sa kasalukuyan.

Maingat na nga raw kasi ang actress-social media influencer sa pagpasok sa relasyon dahil naranasan niya nang ma-heartbroken.

Siguro nga raw ‘pag nasasaktan ang isang tao ay mas nagma-mature ito.

Naaalala raw kasi niya na isang buwan siya noong umiiyak-iyak tapos nang tingnan niya ang sarili sa salamin ay ang sabi raw niya sa sarili ay siguro ang pangit-pangit niya para lokohin lang siya.

Pagkatapos nga ng ilang taon ay inalagaan niya ang sarili napasabing “talagang bahala kayo, mahalin ko talaga muna ang sarili ko.”

Kaya hindi na raw siya masyadong nasasaktan ngayon dahil hindi na raw siya nagmamahal nang todo-todo at 50 percent na lamang daw. Ang kamalian niya raw noon ay binigay niya lahat sa karelasyon.

Ine-enjoy raw niya ang pakikipag-date ngayon dahil kung hindi pa raw sigurado ay wala namang masama na lumabas kasama ang iba kasi wala naman daw commitment o wala naman label ang relasyon.

Ganun. Bongga. Bahala siya kung anong gusto niyang sabihin. Hahaha. Joke. Joke.

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with