^

Pang Movies

ShaGab, nagkaayos na!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
ShaGab, nagkaayos na!
Gabby at Sharon
STAR/File

Nagkakagulo ngayon ang solid fans nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta dahil sa post ni Megastar kahapon ng umaga sa Instagram.

Sey ni Shawie, “A little bird told me that I am going to do a concert tour in North America this Fall…and I won’t be alone this time…Hmmm I have a contract…Should I sign already? Comment below!”

Sapat na ito para ma-excite at matuwa ang Sharon-Gabby fans and asked her to sign the contract na. Bagama’t wala namang binanggit si Sharon kung anong concert ito at kung sino ang kasama, positibo ang fans na Dear Heart tour ito.

Maging ang US-based singer na si Jaya ay na-excite at nag-comment. Aniya, “Yeeeesss!!! Go Megastar and beke nemen, libre ako ng mga panahon na yan @reallysharoncuneta.

Sagot naman ni Mega, “@jaya Ahahahahahaha IYAY KOOOO I MISS YOU NA NAMAN!!! Mahal na mahal kita. Never ka nagbago. Mabuti ang puso, mabait. Bonus na lang yung napakagaling mo kumanta!”

May nakita rin kaming poster ng Dear Heart concert at nakasaad dito na magaganap ang show on Nov. 15, 2024 sa The Venue at Thunder Valley Casino Resort in Lincol, California.

Mukhang nakita na rin ito ng fans kaya naman sure na sure sila na tungkol dito ang post ni Mega.

Matatandaang naganap ang Dear Heart concert nina Gabby and Sharon noong Oct. 27, 2023 sa Mall of Asia at sa Cebu noong Nov. 17, 2023.

Magkakaroon sana sila ng repeat concert nitong February, 2024 subalit hindi ito natuloy sa hindi malamang kadahilanan. Sa isang panayam ay sinabi lang ni Sharon na hindi niya kasalanan kung bakit hindi ito natuloy at nanghihinayang din siya.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with