^

Pang Movies

KathDen fans pasaway na sa shooting, tinalakan ni Direk Cathy

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
KathDen fans pasaway na sa shooting, tinalakan ni Direk Cathy
Kathryn Bernardo at Alden Richards
STAR/ File

Kumalat ang video ng pagdagsa ng fans sa location ng taping ng Hello, Love, Again na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Canada.

Makikita nga sa video ang dami ng mga tagahanga na dumayo pa mula sa malalayong lugar para makita lang ang dalawang bida ng pelikula.

Ilang araw na ngang kumakalat ang mga video at litrato kung saan makikitang hirap na rin ang director ng pelikula na si Direk Cathy Garcia-Sampana na kontrolin ang fans.

Pero mukhang hindi na nga talaga kinaya rin ng director at na-stress na ito kaya nakiusap na siya sa fans.

“They’re getting mad at us and maybe, we will not be able to shoot here anymore which we don’t like because I still need to finish the movie and I hope you understand that,” bahagi ng pakiusap nito na tinutukoy ang mga residente sa lugar.

“We can do that if you’ll be very quiet and we take pictures in an orderly manner without ruining our set. In fact, you’re beyond what is allowed. Kanina po andu’n ‘yung mga tao, ngayon andyan na po kayo.

“If we don’t listen, if we don’t keep quiet, we don’t listen to them, you will leave her without seeing them (KathDen) which I don’t like. I would like to give that to you, the only chance to see them,” dagdag pa niya.

Makikita nga kasing nakakaabala na ang mga ito sa location kung saan naiistorbo na rin pati ang ibang residente sa lugar.

Wala talang duda na maraming fans ang KathDen at kinasasabikan din ng fans nila sa Canada.

Sa saglit na paglabas nila ay dinig ang saya ng mga tagahanga nila. Pero sey nga ng ibang netizens ay sana raw makisama at sumunod ang fans dahil baka ma-delay pa ang pagpapalabas kung maaabala ang shooting nila ng sequel ng Hello, Love, Goodbye.

ALDEN

KATHRYN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with