^

Pang Movies

Matteo at iba pa, hinahanapan ng resibo

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Likas din sa 35-year-old actor-entrepreneur na si Gerald Anderson ang pagiging matulungin sa panahon ng sakuna na kanyang sinimulan nung 2009 pa.

Ang nobyo ni Julia Barretto ay muling nagpakita ng kanyang heroic deeds nung nakaraang Miyerkules, July 24, sa kasagsagan ng bagyong Carina kung saan ay tumulong siya sa pagsagip ng mga taong nakulong kanilang mga tahanan sa matinding baha.

Si Gerald ay miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary at army reservist.

Bukod kay Gerald ay naging visible rin ang isa pang army reservist sa pagtulong sa tuwing may kalamidad, ang singer, actor at pilotong si Ronnie Liang.

Pero nasaan ang iba pang celebrity reservists ng Philippine Army, Philippine Navy at Armed Forces of the Philippines nung kasagsagan ng bagyong Carina?

Nasaan nga ba, Salve A., sina Matteo Guidicelli, Jerome Ponce, Nash Aguas, Elmo Magalona, Yves Flores at marami pang iba?

Jennylyn, nagparamdam sa mga binaha

Kahit wala itong bagong TV series (sa GMA) o pelikula, hindi rin nag-aksaya ang (dating) Kapuso singer-actress at entrepreneur na si Jennylyn Mercado na magbahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina.

Sa tulong ng kanyang management company ay namahagi siya ng relief goods sa mga biktima ng matinding baha in Metro Manila at mga karatig na lugar.

Expired na ang kontrata niya sa Kapuso network at under negotiation pa umano ang kanyang pagre-renew ng kontrata na naging tahanan niya sa loob ng 20 taon since she was declared female winner ng reality talent show na StarStruck nung 2003 along with Mark Herras.

“Gusto ko pa rin pong maging Kapuso, that is, kung nanaisin pa rin nila,” pahayag ng misis ni Dennis Trillo sa kanyang grand launch bilang pinakabagong brand ambassador ng ever-growing family ng Beautederm ni Rei Anicoche-Tan.

Althea, gusto nang magbalik-bayan!

Kasalukuyang nasa New York City, USA ang aktres na si Althea Vega habang hinihintay nito ang kanyang green card. Pero babalik din ito ng Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang career dito.

Kahit nasa Amerika siya ay aktibo pa rin ito sa paggawa ng mga pelikula.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with