^

Pang Movies

Gabby nanlibre, nag-fanboy sa K-pop idol!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gabby nanlibre, nag-fanboy sa K-pop idol!
Gabby Eigenmann at Jeric
STAR/ File

Ang bongga naman ni Gabby Eigenmann na nag-fanboy sa kanyang paboritong K-pop star na si Doh Kyung-soo sa BLOOM fan concert sa Ara­neta Coliseum kamakailan.

Nakita nga ng aktor si Kyung Soo nang malapitan at tuwang-tuwa siya na naki-sing along sa idolo kasama ang misis na si Apples.

Memorable raw ang experience na ito na 2-day concert para sa aktor at ipinost ang isang short reel sa concert.

Pero ang mas nagpa-memorable raw sa mag-asawa ay ang interaction nila sa isang masuwerteng EXO-L fan.

Ikinuwento ng isang fan na si Jeric kung gaano siya nagpapasalamat sa mag-asawa dahil nilibre raw siya ng mga ito sa concert noong birthday niya.

Makikita nga sa video na pinost na na­ging emosyonal siya nang yakapin siya ni Gabby kung saan sinagot siya nito ng “We are one Jeric! Happy birthday.”

Nagkaroon pala sila ng komunikasyon nang mag-post ang fan tungkol sa event at nabanggit na unang concert niya ito pagkatapos ng 11 taon bilang EXO-L fan. Nakikita lamang daw niya ang mga K-pop idol niya sa airport o nakakasalamuha lamang daw niya ang ibang fans sa labas ng concert venues kung saan na-touch si Gabby at sinabing magkita sila sa susunod na EXO con at nilibre nga niya ito.

Loyal EXO fan pala ang aktor at lumipad pa nga siya papuntang Japan para sa isang virtual concert. Bongga.

vuukle comment

GABBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with