^

Pang Movies

Atasha, mina-manifest kay Mayor Vico!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa

Inamin ni Coney Reyes na tila nagsawa na rin siya sa kapapaalala sa kanyang anak na si Mayor Vico Sotto tungkol sa love life nito. Aminado naman si Coney na nasa tamang edad na si Vico para isiping lumagay sa tahimik pero parang hindi pa iyon talagang naiisip ni Mayor.

Ni walang tsismis tungkol sa love life ni Mayor. Minsan lang natsismis kay Atasha Muhlach pa, na simula pa lang ay alam na ng mga tao na fake news, dahil sa totoong buhay ay hindi pa nagkakaharap sina Vico at Atasha.

May mga nagsasabing mukhang masyado raw buhos ang atensiyon at loob ni Mayor Vico sa kanyang tungkulin bilang mayor ng Pasig dahil sa totoo lang, bilang pinakabatang alkalde sa NCR, ang bawat kilos niya ay binabantayan ng mga tao, hindi lamang ng mga taga-Pasig.

May nagsasabi naman na baka may epekto kay Mayor ang kuwento ng kanyang mga magulang at siguro kaya niya pinag-aaralang mabuti ang lahat ay gusto niyang mailagay naman sa ayos ang kanyang pamilya pagdating ng araw.

Hindi naman kailangang madaliin si Mayor Vico, basta dumating ang tamang panahon magkakaroon din ng sariling pamilya iyan.

Nadine at Kathryn, ibang level na ang kumpetisyon!

Big deal sa fans ang pagpa-follow sa isa’t isa nina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo. Noon kasi, sila ang talagang magkalaban sa fans. Si Kathryn bilang bahagi ng KathNiel nila ni Daniel Padilla, at si Nadine naman ang katambal ni James Reid sa JaDine.

Pero ngayon nga sira na ang mga love team na iyon.

Naunang nag-split sina James at Nadine matapos na mag-live in ng apat na taon. Tapos nag-split naman sina Kathryn at Daniel matapos ang kanilang labing isang taong relasyon.

Wala nang love team at wala na silang kumpetis­yon sa ngayon. Ang labanan nila ngayon ay patuna­yang sila ay mahusay na aktres, at pareho naman silang nanalo na ng award.

Nakapagrehistro si Kathryn ng all time box office record katambal si Alden Richards, samantalang si Nadine naman ay naging Metro Manila Film Festival top grosser din.

Kung iisipin mas matindi ang labanan nila ngayon, pero wala na ngang personalan dahil nasa professional standings na ng labanan, hindi na love team lamang.

Besides, may mga edad na sila sa totoo lang. Hindi na sila mga bata upang magtapatan.

Manyak na direktor, nanghingi ng panty sa malanding actress

Pinagmamalaki ng isang manyakis na direktor sa isang inuman na naka-date na niya ang isang maganda at bata pang actress. At bilang souvenir pa nga raw ng kanilang pagde-date ng dalawang beses, hiningi niya bilang sourvenir ang suot na panty nito.

Iba rin ang kamanyakan ni direk, dahil ipina-frame pa niya ang panty ng aktres at siyang naka-display sa kanyang study room kung saan siya gumagawa ng mga script at nagpaplano ng gagawin niyang mga pelikula.

Pero hindi pa raw niya naigawa ng pelikula ang aktres, kahit payag iyong makipag-date sa kanya dahil ayaw iyong magpadirek sa kanya sa pelikula.

Pulos kalaswaan ha. Meron male version na ganyan na brief naman ang hinihingi sa mga nakaka-tsugian nila.

vuukle comment

ATASHA

VICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with