^

Pang Movies

Anak ni bossing na golfer, natulad sa ina

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Anak ni bossing na golfer, natulad sa ina
Paulina Luz Sotto at anak

Tulad ng kanyang inang si Angela Luz, single mom na rin ngayon si Paulina Luz Sotto, anak ng TV host, actor-comedian, producer and celebrity endorser na si Vic Sotto matapos itong mahiwalay recently sa kanyang mister na si Jed Llanes, ama ng kanyang three-year-old daughter na si Sachi Brielle.

Ang paghihiwalay nina Paulina at Jed ang least na inaasahan ng pang-apat na anak ni Bossing  pero kailangan niyang harapin para sa kanilang kaisa-isang anak.

Si Paulina na isang award-winning golfer and visual artist na kanyang minana sa kanyang maternal National Artist grandfather na si Arturo Luz is slowly adjusting sa bagong chapter ng kanyang buhay bilang isang single mom.

Magiging malungkot ang darating na Pasko for Paulina and her daughter dahil hindi na nilang kasama si Jed, na great grandson ng yumaong dating Pangulo ng Pilipinas na si Diosdado Macapagal.

Walang sinabing dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon ng mag-asawa.

Sexy star na si Rhen Escaño, na-bash sa isyung secret gf ni Paulo!

Nalulungkot at naiiyak na lamang ang mahusay na Viva actress na si Rhen Escaño at bida ng pelikulang Karma na kamakailan lamang ipinalabas sa mga sinehan dahil sa katakut-takot na bashing na kanyang natatanggap ngayon mula sa KimPau fans kahit wala siyang alam at kinalaman kung bakit nagagalit ang mga ito sa kanya.

Base sa aming pagtatanung-tanong, siya umano ang sinisisi dahil siya ang itinuturong ‘secret girlfriend’ umano ni Paulo Avelino na hindi naman totoo.

Below the belt na ang mga tira nila sa kanya to a point na pati live streaming ng TV series niya sa TV5, ang Lumuhod Ka Sa Lupa ay pinapasok na rin nila. Nagpapakalat din sila ng video clips na galing sa pelikulang Adan.

Dianne, rumaket bago manganak!

Saludo kami sa pagiging masipag ng misis ni Rodjun Cruz na si Dianne Medina-Ilustre dahil manganganak na lamang ito ay nakuha pa nitong magtrabaho bilang host sa isang event.

Si Dianne ay in-demand host ng iba’t ibang events at okey lang sa kanila kahit sobrang laki na ng tiyan nito dahil kabuwanan na niya.

Just a night before she gave birth ay nakuha pa nitong mag-host sa isang event at kinabukasan ay tumuloy na siya sa hospital where she underwent CS operation for her baby girl na si Maria Isabella Medina Ilustre.

Tuwang-tuwa naman ang kanilang panganay na si Rodolfo Joaquin dahil meron na umano siyang baby sister.

vuukle comment

PAULINA LUZ SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with