^

Pang Movies

Isang network, nabawasan ang kita ng P2 billion

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakakaloka ang traffic sa bandang Pasay noong Sabado ng gabi dahil sa GMA Gala 2024 na ginanap sa Marriott Grand Ballroom.

Akala mo mapapabilis ka kapag dumaan ka sa Skyway, hindi pala. Dahil nagkumpul-kumpol na ang mga kotse pababa ng Skyway papuntang Marriott.

Malapit din doon sa Marriott ang Solaire Resorts na kung saan doon naman ginanap ang An Evening with David Benoit concert.

Kasama ng sikat na jazz player ang napakagaling na The Company.

Sabi nga ni David, gusto raw niyang i-guest sa susunod na concert niya sa Los Angeles, California ang naturang grupo.

Ang sososyal ng mga nanood, kaya tambakan din ang mga kotse sa parking.

Buhay na buhay na talaga ang live performance sa ating bansa, kaya ang dami pang mga kasunod na concerts na aabangan.

Napapag-usapan ang success ng GMA Gala Night, may ilang kuwento kaming nasagap sa ilang TV network na ‘yun naman ang madalas na napapanood sa ngayon.

Ayon sa aming reliable source, ang isang TV network daw na halos P2 billion daw ang ibinaba ng kanilang sales.

Hindi namin alam bakit, pero may ilang shows daw talagang mahina ang pasok ng commercials, o baka sa ‘di maayos na pag-manage?

Meron naman daw na isang TV network na tumaas ang kanilang sales ng mahigit isang bilyong piso.

Dagdag pang tsika sa amin, meron naman daw TV network na nagdagdag ng utang sa bangko. Kahit may existing na utang pa raw ito sa naturang bangko, pinautang daw sila uli!

Ayon pa sa isa pang kuwentong nasagap namin, binili naman daw ng isang American multinational music corporation ang isang recording company na may mga napasikat nang singers.

Ang sabi sa amin, 60 percent daw ng recording company na ito ang binili nitong American multinational music corporation.

Magkakaalaman din ‘yan bandang huli, kaya abangan na lang natin.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with