^

Pang Movies

Daniel, nagbabago ng image!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Daniel, nagbabago ng image!
Daniel

Mukhang mas maayos daw ngayon ang bihis at lumalabas ngang mas may confidence si Daniel Padilla.

May dahilan naman, noon hindi niya kailangang mag-ayos nang todo, hindi niya kailangang magpa-impress dahil kay Kathryn Bernardo.

Pero ngayon, kailangan niya siyempreng mag-effort para sa kanyang fans.

Kung hindi, ang daming baguhan ngayon na lahat halos ay tipong matinee idol.

Kundi siya mag-e-effort, ano nga ang mangyayari sa kanya lalo na’t hindi na rin naman siya bumabata.

Naka-ilang pelikula na si Kathryn, siya ay wala pa rin at magkakaroon nga siya ng serye pagkatapos ng dalawang taon, pero hindi niya solo iyon, kasama si Richard Gutierrez. Action at kung hindi nila tatalunin ang Batang Quiapo, alam na ninyo kung ano ang ibig sabihin noon.

Nung nag-umpisa si Daniel, ang pinakamalakas niyang puhunan ay pogi siya at iyon ang dapat niyang gamitin ulit para makabawi siya at patunayang kaya niyang magdala ng sariling pelikula at programa.

Chloe, nasasanay na sa showbiz

Maganda ang naging feedback sa naging performance ni Chloe San Jose, ang syota ni Carlos Yulo sa ASAP.

Sinabi naman ni Chloe na wala siyang pangarap na pasukin ang show business. Pero sa naging resulta ng kanyang performance, hindi man niya pangarapin, puwede. At hindi nga maikakaila na ang kasikatan ngayon ni Carlos Yulo ay makakatulong din para buhatin siya.

Ang mga negatibong issue naman na sinasabing ginagamit niya si Carlos para sumikat, ay hindi pinapansin ng ibang netizens na ang tiyagang sumusubaybay sa mga ganap ng mag-syota.

Saka hindi naman siya nakipag-syota kay Carlos dahil nag-aartista siya.

Saka ano ba ang pakialam ng ibang tao, at bakit naman nila pakikinggan kung ano man ang sinasabi ng iba?

Aktor na bading, nagpapabayad sa kapwa aktor

May tsismis na nangyari raw sa shooting ng isang gay series. Walang kamalay-malay ang mga kasama niya sa project na sa totoong buhay ay bading ang male star.

In fact, itinatago lamang niya pero may karelasyon siyang bading din. At alam din ng karelasyon niya (bading) ang katotohanan.

Minsan tinablan daw yata ang male star sa kanilang ginawang eksena, kaya kinausap niya ang leading man na kung puwede ituloy na nila in private ang eksena. Akala naman noong lalaki nagbibiro lamang ang male star, at sinubukan naman niya kung ano nga ba ang gagawin noon.

Lumabas nga ang katotohanan ng kabaklaan nung male star at pumayag naman ang kanyang co-actor. Nag-give naman daw ang male star sa kanyang co-actor na pumayag na makipag-date sa kanya.

Ang male star ay kilalang “gay for pay,” iyong mga baklang nagpapabayad sa kapwa nila bading for sex.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with