^

Pang Movies

Lian, sumuko na sa annulment nila ni Paolo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Lian, sumuko na sa annulment nila ni Paolo!
Lian Paz
STAR/File

Dahil sa rami raw ng mga kailangang iharap na ebidensiya at matapos ang matagal-tagal na rin namang panahon ng paghihintay, sumuko na si Lian Paz sa kanyang paghingi ng annulment sa kasal nila ni Paolo Contis. Matagal na rin naman silang hiwalay at matagal nang kasama ni Lian si John Cabahug na siyang umaalalay sa kanya at maging sa dalawa niyang anak kay Paolo matapos siyang makipaghiwalay sa aktor at nagsama sila.

Pero naniniwala pa rin si Lian na darating ang isang araw na mapapawalang bisa rin ang kasal nila at iyon ay pinauubaya na niya sa Diyos.

Hindi naman daw problema iyon sa pagsasama nila ni John. Naroroon pa rin naman ang kahilingan ng dalawa nilang anak na ayaw na nilang gamitin ang apelyidong Contis dahil hindi naman daw sila kinalinga ng kanilang ama.

Kung iisipin mas madali iyon dahil maghaharap lamang petisyon sa korte ang mga bata para mabago ang lahat ng kanilang papeles at gumamit na ng ibang apelyido.

Kahit na kasal pa rin ang kanilang mga magulang, may karapatan naman silang palitan ang kanilang pangalan.

MTRCB, malapit nang magkapower sa streaming?!

Hindi raw magtatagal ay maaari nang pakialaman ng MTRCB ang mga pelikulang palabas sa streaming services. Masasakop na nila ang internet. Iyon ay dahil mukhang naghahanda na rin ang kongreso na amyendahan ang batas na lumikha sa MTRCB para mapalawak nila ang kapangyarihan ng ahensiya at masakop na nila ang mga pelikula sa internet.

Noon pang nakaraang taon ay marami na ang nagsasabing kailangang amyendahan na ng kongreso ang PD 1986 dahil sa internet na ngayon ay lumalabas ang mga mahahalay na pelikula na hindi naman mapigil ng MTRCB dahil wala nga silang jurisdiction.

Noon pa man ay pinagtatalunan na ang internet streaming dahil sinasabi nga ng ilan bagama’t wala pa raw internet noong panahong ginawa ng PD 1986 ang pagpapalabas ng pelikula sa internet ay classified na ring public exhibition at kung ganun sakop din ng batas ng MTRCB pero para mas maging maliwanag na nga, kailangang amyendahan ang batas.

Ganoon pa man kung sa isang kasong ihaharap sa korte ay sabihin ng hukuman na sakop ng “public exhibition” ang pagpapalabas sa internet, automatic na ring iyon ang magiging basehan sa mga susunod na kaso at maipatutupad na ring kagaya ng isang batas.

Male star, binigyan ng townhouse at sportscar ng high government official!

Maugong ang mga kuwento na may isang high government official na bading din ang karelasyon ngayon ng isang male star. Diumano sa politician pala galing ang ipinagmamalaki noong bagong townhouse at isang mamahaling sportscar na kanyang ginagamit ngayon.

Hindi na raw umuuwi sa kanilang bahay ang male star na may kalayuan din naman kasi, at doon na naglalagi sa kanyang townhouse o kaya ay sa condominium ng high government official na bading sa Makati. Matagal na rin naman na hindi nagsasama sa iisang bahay ang high government official at ang misis niya kaya ok lang na magkasama sila ng male star.

Pero maliwanag sa kasong iyan na ang male star ay hindi pinilit ng politician kaya iyan ay hindi masasabing sexual harassment. Hindi na rin naman abuse iyan dahil ang male star ay magtetrenta na sa susunod na taon, ibig sabihin alam niya ang kanyang ginagawa at kung ano man ang nangyayari sa kanya ay may consent niya.

LIAN PAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->