^

Pang Movies

Jennylyn, nganga pa rin sa bagong kontrata!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Alam mo, Salve A., marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin natutuloy ang sinasabing renewal of contract ng singer-actress na si Jennylyn Mercado sa Kapuso Network matapos mag-expire ang kanyang kontrata. Nauna pang pumirma ng kontrata ang misis ni Dennis Trillo bilang isa sa brand ambassadors ng Beautederm ni Rei Anicoche-Tan.

Ang press release ng kampo ni Jennylyn ay under negotiation pa umano ang muling paglagda ng kontrata ng singer-actress sa kanyang (dating) home studio pero anong petsa na.

Kung talagang ire-renew siya ng GMA, matagal na itong nangyari dahil nagkakaroon na ng bagong negosasyon bago pa man ang expiration ng kontrata para wala itong dahilan na lumipat sa iba.

Nananatiling ‘mahiwaga’ ang sinasabing muling pagpirma niya ng kontrata sa GMA.

Ang mister niya na si Dennis Trillo ay contract talent pa rin ng GMA hanggang ngayon.

Ang mag-asawa ay parehong nasa pangangalaga ngayon ni Becky Aguila matapos umalis ang actor kay Popoy Caritativo na naging manager niya sa mahabang panahon.

Kaye, laging humihingi ng basbas sa mister

Matagal nang magkakaibigan sina Kaye Abad, Paolo Contis at Patrick Garcia na nagkasama dati sa hit afternoon TV series ng ABS-CBN nung 1999 to 2003, ang Tabing Ilog kung saan din tampok sina John Lloyd Cruz, Jodi Sta. Maria, Baron Geisler at iba pa.

Although naka-base na sa Cebu si Kaye with her family, ang husband niyang businessman at ex-PBB-housemate-turned actor na si Paul Jake Castillo and their two sons na sina Joaquin at Inigo, tumatanggap pa rin ang aktres ng proyekto every once in a while laluna kung maganda tulad ng A Journey na pinagsamahan nila nina Paolo Contis at Patrick Garcia.

Sina Kaye, Paolo at Patrick ay muling magkakasama sa pelikulang ConMom.

Ang shoot ay sa Boljoon, Cebu kaya madaling sumang-ayon ang aktres na nangakong isang movie a year lamang ang kanyang gagawin dahil maliliit pa ang dalawa nilang anak.

Ito rin ang rason kung bakit hindi makatanggap si Kaye ng teleserye dahil matagal siyang mananatili sa Maynila for the taping at mapapalayo sa kanyang pamilya laluna sa dalawang bata.

Natutuwa si Kaye na kahit sa Cebu na siya naka-base ay hindi pa rin siya nawawalan ng TV and movie offers bagay na kanyang ipinagpapasalamat. Pero bago siya tumanggap ng isang proyekto ay hinihingi niya muna ang basbas ng kanyang mister.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with