^

Pang Movies

Barbie at David, parang hindi na maghihiwalay!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa

May patikim ang Kapuso actress na si Barbie Forteza at aktor na si David Licauco sa love story nila sa gaganapan nila sa seryeng Pulang Araw.

Tila nakaka-excite raw ang kwento nila bilang sina Adelina at Hiroshi na parang isang libro na gugustuhin mong tapusin sa isang upuan lang para malaman kung nagkatuluyan ba sila sa rami ng balakid sa relasyon nila.

Nagkatrabaho na sina David at Barbie sa Mano Po Legacy, Maging Sino Ka Man, Maria Clara at Ibarra, kung saan pumatok ang loveteam nila, at pelikulang That Kind of Love.

Sobrang naa-appreciate rin daw ng aktres si David na sinasabayan daw nito kung ano ang ginagawa niya. Kapag tahimik daw siya ay tahimik din ito. At kapag naman nararamdaman na nitong nagha­handa na siya ay naghahanda na rin daw ito kasama siya at para sa kanya.

Ayon naman sa aktor ay mas naging komportable na siya sa karelasyon ni Jak Roberto dahil pinapagaaan nito ang trabaho nila.

Bongga. Sayang nga at sabi nila maganda ang kuwento ng pelikula nilang That Kind of Love. Sad lang na hindi raw ito kumita sa takilya.

Sana naman, hindi lang sila sa TV projects subaybayan, sana kahit pelikula nila panoorin ng fans.

Buti na lang alam kong may BF si Barbie, kasi parang ayaw na nilang maghiwalay sa trabaho ha. Hahaha.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with