Gladys, long overdue na ang acting award
Naku sure ako na may tampo sa akin si Gladys Reyes. Dahil sa brain fog nakalimutan kong batiin siya sa win niya as Best Supporting Actress ng 7th Eddys.
Wala naman talagang puwedeng mag-question sa husay ni Gladys pagdating sa pag-arte. Long overdue na nga ang mga dapat niyang matanggap na awards sa acting. Kaya naman hindi na ako nagulat na wagi siya sa Eddys.
Isa si Gladys sa love kong alaga lalo pa at napakabait ng nanay niya. Maganda pa rin ang private life niya na tahimik at walang intriga. Isa siya na tiyak ko na magiging matatag ang buhay for a long, long time.
Congrats, Gladys, and love you. Bongga.
Epy, Nakumbinsing mag-Dolphy
Ang pumanaw na amang si Dolphy pala ang dahilan kung bakit tinanggap ng aktor na si Epy Quizon ang seryeng Pulang Araw.
Gaganap siya bilang Vaudeville performer na pagbibidahan nina Barbie Forteza, David Licauco, Alden Richards at Sanya Lopez.
Isa nga siya sa pinakilalang karakter na bubuo sa mag-uumpisang Kapuso serye kung saan gaganap siyang tatay nina Barbie at Sanya.
Naalala raw niya ang amang Comedy King sa kanyang karakter na mahusay na Vaudeville performer noon. “Even before no’ng sinabi pa lang sa akin na ang role ko is ‘yung performer sa Vaudeville at nagkaroon ng mga anak na magkaibang babae… I remember my father,” sey nito.
Parehong-pareho raw pala kasi ito kay Dolphy kaya tinanggap niya ang proyekto.
Halatang ginastusan kaya kaabang-abang itong Pulang Araw. Bongga.
- Latest