^

Pang Movies

Ruffa, may throwback sa Binibining

Gorgy Rula - Pang-masa
Ruffa, may throwback sa Binibining
Ruffa Gutierrez

MANILA, Philippines — Kasabay ng 7th EDDY’s Awards ng grupong SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors), ipinagdiwang naman ng Binibining Pilipinas ang kanilang 60th anniversary, at nagkaroon ng nostalgia sa ilang mga kilalang artista na naging beauty queen.

Nagulat kami, 31 years na pala ang nakalipas nang kinoronahang Binibining Pilipinas World noong 1993.

Napakaganda ni Ruffa Gutierrez noong 18 siya at na-maintain pa rin naman niya hanggang ngayon.

Naging 2nd Princess siya sa Miss World, at kaagad na pumaimbolog ang career niya.

‘Yun nga lang, nasangkot siya sa Manila Film Festival scam noong 1994, at ang dami nang pagbabago mula noon.

“Time flies indeed…” bahagi ng caption sa kanyang IG post.

Si Daisy Reyes, sa edad na 19 ay kinoronahang Binibining Pilipinas World noong 1996, na kung saan lumaban siya sa Miss World sa India at tinanghal siyang Miss Personality.

Nagkaroon ng reunion ang former beauty queens kagabi, lalo na ang mga nagwagi at napansin sa mga sinalihan nilang international beauty competitions.

Iba pa rin talaga ang produkto ng Binibining Pilipinas na narinig naming mababalik sa kanila ang franchise ng Miss Universe.

Pero bandang huli ay nakuha pa rin pala ng Miss Universe Philippines na da­ting hina-handle ni Ms. Shamcey Supsup-Lee.

Samantala, talagang nag-iingat na ngayon ang beauty queens na nai-involve sa isang relasyon.

Hanggang ngayon ay hindi pa maitutu­ring na case closed na ‘yung beauty queen sa Batangas. Ngayon naman ‘yung sa Pampanga na beauty queen na si Geneva Sarita Lopez, na natagpuan na ang bangkay nito sa isang ilang na lugar sa Capas, Tarlac, kasama ang Israeli boyfriend.

Idinaan sila ngayon sa DNA test at autopsy para doon malaman kung kailan sila pinatay at kung sa anong paraan.

Ang latest na nasagap namin ay nakuha na ng mga kapulisan ang driver ng SUV na pinagsakyan ng dalawa at baka ito na raw ang tatayong state witness sa kasong ito.

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with