^

Pang Movies

Infamous... ni Heart, ipalalabas na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Infamous... ni Heart, ipalalabas na
Heart

Comment ng mga nakapanood ng reels ni Heart Evangelista na nagluluto, marunong daw pala itong magluto. Sabagay, French toast lang naman ‘yun – eggs, milk and bread lang ang ingredients, madaling gawin, pero dahil siya ang naghanda, iba ang dating.

In fairness, hindi lang sa pagbukas ng bread, pag-break ng egg, pag-pour ng milk at paghalo ng ingredients ang kanyang ginawa, siya talaga ang nagluto. Pati pag-spread ng Nutella sa bread, at paglalagay ng strawberry sa gilid ng plate.

Pero hindi lang ‘yun ang pinansin ng netizens, pati ang suot na diamonds na bracelet, necklace, at hikaw na kumikislap sa ganda.

And speaking of Heart, ipinakita sa 2024 ToyCon ang teaser ng ginawang international movie na Infamous 6 directed by Anthony Hickox. Kinunan sa China ang action movie na wala pang playdate. Sa na-post sa Instagram Story, sabi ni Heart, “Infamous 6 soon” na wish ng fans ni Heart, maipalabas sa bansa.

Barbie, sunud-sunod ang gagawing thriller

Ang pelikulang Penthouse 77 pala ang pagsasamahan ng Kapuso na si Barbie Forteza at Kapamilya aktor na si JC Alcantara. In-announce na ang cast ng horror thriller movie to be directed by Derick Cabrido, ang director ng Mallari.

Makakasama nina Barbie at JC sa cast ang child actor na si Euwenn Mikaell at sina Jackielou Blanco, Rosanna Roces, Carlitos Siguion-Reyna at Gina Pareño. Tiyak na may iba pang cast na madadagdag kapag nag-storycon na at kahit nagsimula na ang shooting.

Ang Penthouse 77 ay pagbabalik ni Barbie sa horror. Naalala ng fans ng aktres na mahusay siya sa horror movie na The Road.

Ang Penthouse 77 ang second movie this year niya after That Kind of Love na isang rom-com at magpapakilig sa fans nila ni David Licauco. Sa July 10, 2024 na ang showing ng pelikula sa direction ni Catherine Camarillo sa panulat ni Ellis Catherine, na anak ni Direk Catherine.

Mauuna ang showing nito kesa sa airing ng Pulang Araw sa July 26, 2024. Sina Barbie at David din ang magkapareha sa Mega Serye ng GMA 7 na tungkol sa friendship ng four childhood friends sa panahon ng World War III.

Cong. Goma, walang pake sa basher

Ang “ungas” na sagot ni Cong. Richard Gomez sa nag-comment na “Politics trapo style” dahil lang sa reels post niya sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Tagum City. Kasama niya ang 167 congressmen mula sa iba’t ibang distrito ng bansa, pinost niya ang reels at may nag-react na nga.

Hindi nag-sorry ang nag-comment at sabi pa nga, follower pa rin siya nito but not his politics. Paliwanag pa nito, gusto pa rin niya ito as a person, ang politics lang nito ang ayaw niya.

In fairness, nagkakatuwaan lang sina Goma at ang katabi niyang si Cong. PM Vargas, brother ni Alfred Vargas.

May nag-suggest naman for Goma to “Get a haircut, Gomski. We wanna see you again in your gorgeous Bench semi-kalbo look” at sayang na wala siyang comment. May mga nababasa na kami suggesting the same, sana raw magpagupit na siya dahil hindi bagay sa kanya ang long hair.

Kaya lang, mukhang enjoy siya na long hair siya, kaya hayaan muna natin siya. Darating din ang araw na magsasawa siya na mahaba ang buhok niya at magpapagupit ang mister ni Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with